• Home
  • Fresh Scoops
  • TRENDING: Jericho Rosales, binalikan ang isang fan para magpa-picture

TRENDING: Jericho Rosales, binalikan ang isang fan para magpa-picture

“OMG, binalikan niya ako,” sabi ni ng isang fan ni Jericho Rosales.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/24/2018 8:10 PM
TRENDING: Jericho Rosales, binalikan ang isang fan para magpa-picture


Kung titignan, isa lang itong normal na selfie ng isang fan na si Dennish Dianne Adriano sa kanyang celebrity crush na si Jericho Rosales. Pero kung babasahin ang kwento niya sa caption ng kanyang Facebook post, masasabi natin isa si Dennish sa mga maswerteng fans ng Halik actor.

Sa kanyang Facebook post, ikinuwento ni Dennish na inakala niyang masungit si Jericho matapos itong hindi pagbigyan makipag-selfie sa harap ng restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Pero matapos ang ilang minuto, binalikan daw siya ng aktor para ituloy ang hiningi niyang selfie.

“Me: Jericho! Pwede mag papicture

Sya : wait ate, may hinahanap lang ako na store.

Me : Okay po (Nakasimangot, akala ko masungit sya)

After 30mins. Habang nag aayos ako ng menus

Jericho : TARA NA ATE! PICTURE NA TAYO.

Me: OMG!! Binalikan nya ko! Hahahaha (sic)”

Hindi pa natatapos ang isang araw matapos i-post ang photo nila ay nakatanggap na ito ng mahigit 173,000 reactions at 17, 637 shares.

Isa si Jericho Rosales sa mga lead cast ng trending teleserye na Halik na mapapanood tuwing gabi sa Kapamilya Primetime Bida.