Pokwang, timeout muna sa comedy sa bagong proyekto

Ibinahagi din ni Pokwang ang kanyang naging hugot sa pelikula.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/24/2018 11:27 AM
Pokwang, timeout muna sa comedy sa bagong proyekto


All set na ngayon ang Kapamilya actress-comedienne na si Marietta Subong o mas kilala bilang si Pokwang sa kanyang pagbabalik pelikula.

Isa ang pelikula ni Pokwang sa mga mapapanuod sa Quezon Cinema International Film Festival na Oda Sa Wala.

Kuwento ni Pokwang, isa sa naging kondisyon ng pelikula ang paggamit niya sa kanyang tunay na pangalan.

“Actually kinausap muna ako ni Direk, kung papayag daw ba ako na Marietta Subong ang gamitin. Nag-isip muna ako kasi siyempre sa passport ko, sa ATM ko ‘yun ang pangalan,” sabi pa ni Pokwang.

“Pero di ba, maiba lang naman, ibang kuwento, iba din kasi ito e ibang genre. Sabi ko, ‘Sige labas tayo sa Pokwang,’ kasi pag naisip mo ang Pokwang comedy agad,” ani ng aktres.

Dahil sumabak sa intense na pag-arte, inamin ni Pokwang na malaking hugot sa kanya ngayon ang pinagdadaanan ngayon ng kanyang ina na may dementia.

Hindi din naging madamot ang aktres sa pagbibigay update sa kasalukuyan kalagayan ng kanyang Ina.

 

“Okay naman siya. Malakas kumain, awa ng diyos, pero ganun pa din siyempre. Hindi pa din namin nakakausap, mga malayo pa din ang tingin niya.”

Ganun pa man, malaki padin ang pasasalamat ni Pokwang na kasama niya ang kanyang buong pamilya sa pagharap sa kanilang hamon ng buhay.

Mapapanuod ang Oda Sa Wala mula October 23 to 30 sa piling sinehan sa Quezon City.