• Home
  • Fresh Scoops
  • Paano naayos ang dating alitan nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte?

Paano naayos ang dating alitan nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte?

Ikinuwento ni Loisa Andalio kung gaano kahalaga ang komunikasyon sa kanila ni Ronnie Alonte.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/24/2018 8:04 PM
Paano naayos ang dating alitan nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte?


Ibinahagi ng dating housemate ng Pinoy Big Brother na si Loisa Andalio kung paano sila nagkaayos ni Ronnie Alonte noong nagkaroon ng ‘di pagkakaunawaan. Sa October 24 episode ng Magandang Buhay, sinabi ni Loisa kung gaano kahalaga na pag-usapan ang alitan.

“Kasi hindi kami nag-uusap na noon talaga. Parang gusto (namin) ng space at time. Pero siguro hindi naman kasi yun matatapos sa ganun-ganon lang nang hindi pinag-uusapan, tapos nung nagkita kami sa event napag-usapan namin, okay na. Ganun agad,” kwento ni Loisa.

Ayon pa sa kanya, natutunan niya na hindi nakatulong sa kanila ni Ronnie kung patatagalin pa ang alitan. “Kasi parang inisip namin na, hindi pala makakatulong kung hindi niyo pag-uusapan or dededmahin niyo lang, or papatagalin niyo. Iba pa rin talaga yung pinag-uusapan niyo nang maaga,” paliwanag pa niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sorry po, he’s mine 🤪

A post shared by Loisa Andalio (@iamandalioloisa) on

Matapos ang ‘di pagkakaintindihan, masaya na ngayon ang mga fans dahil maganda na ang takbo ng relasyon ng LoiNie. Kamakailan ay nakita rin ang sweet moments ng dalawa sa grand album launch ni Loisa noong October 21.

LOOK: Sweet moments ng LoiNie sa grand album launch ni Loisa Andalio

Maliban sa successful album launch, dumami rin ang humanga sa aktres at singer nang magbigay siya ng update sa kanyang pinapatayong bahay. Sa edad na 19 years old, masaya si Loisa na may naipundar na siya para sa pamilya.

READ: Sa edad na 19, Loisa Andalio nakapagpatayo na ng sariling bahay