• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos ang operasyon, Rico J. Puno, handa nang sumabak sa concert

Matapos ang operasyon, Rico J. Puno, handa nang sumabak sa concert

Balik trabahao na si Rico J. Puno.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/24/2018 11:34 AM
Matapos ang operasyon, Rico J. Puno, handa nang sumabak sa concert


Photo credit: @gisellesanchez on IG

Handa nang muli ang kilabot ng mga kababaihan na si Rico J. Puno sa kanyang muling pagsabak sa isang kuwelang concert na Sana Tatlo Ang Puso Ko.

 

Dito, makakasama ni Rico J, ang mga komedyana na sina Giselle Sanchez at Marissa Sanchez na kapwa supprtado si Rico J na kakatapos lang ma-operahan.

“Itong dalawang ito, noong araw pa talagang sa iba-ibang gigs magkikita-kita kami, hindi ko akalain na pwede pala na magsasama sama kami, magta-tangga ata sila,” masayang bungad ni Rico J.

Pagmamalaki pa ni Rico J asahan ang pag-awit niya ng classic hits gaya ng “Kapalaran”, “Sorry Pwede ba”, “May Bukas Pa” at “Macho Gwapito”.

“Of course, kakantahin natin ang mga classic hits pero ngayon with a twist kasi nga may kasama akong dalawang magagandang babae,” sabi pa ni Rico J.

Pagdating naman sa usapin ng kanyang kalusugan, sinigurado din ng batikang mang-aawit na maayos na ang kanyang kalusugan.

“Aba’y sobrang paghahanda kasi nga ‘di ba may pacemaker na ako pero siyempre hindi naman ako papayagan ng doctor natin kung may pag-aalinlangan,” pahayag pa niya.

Mapapanuod s Giselle Sanchez, Marissa Sanchez, at Rico J. Puno sa darating na November 23 sa The Theater ng Solaire Resorts.