• Home
  • Fresh Scoops
  • Andi Eigenmann, nag-react sa mga nagsasabing inuuna niya ang sarili niya kesa sa anak niyang si Ellie

Andi Eigenmann, nag-react sa mga nagsasabing inuuna niya ang sarili niya kesa sa anak niyang si Ellie

Andi Eigenmann: ‘You have to start with yourself first’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/24/2018 10:54 AM
Andi Eigenmann, nag-react sa mga nagsasabing inuuna niya ang sarili niya kesa sa anak niyang si Ellie


Photo credit: @andieigengirl (R) on IG

Sa Tonight with Boy Abunda, nagbigay ng reaksyon si Andi Eigenmann sa mga nagsasabing inuuna niya ang sarili niya kesa sa anak niya dahil sa nakatira siya sa probinsya at ang anak niyang si Ellie ay nag-aaral sa Manila.

READ: Andi Eigenmann, masaya sa pagiging probinsyana

Ani Andi, “Naniniwala po ako na hindi po ako pwedeng maging pinaka-best na nanay para sa anak ko if I’m not in my best self as well.”

Importante diumano ang happiness niya para makapagbigay siya ng pagmamahal sa iba. “Just because you have a daughter, hindi ibig sabihin kakalimutan mo na ang sarili mo because that’s how you’re able to love other people.” 

Dagdag pa ni Andi, “You have to start with yourself first and I feel that that’s what I lacked in the past.” 

Kwento pa ni Andi, sinisigurado naman niya na yung mga oras na wala siya sa tabi ng anak niya ay yung mga oras na kasama ni Ellie ang tatay nitong si Jake Ejercito at ang lola ni Ellie na si Jaclyn Jose.

Bukod sa edukasyon na makukuha ni Ellie sa Manila ay ayaw din daw niyang ilayo ang anak niya sa ama nito. Co-parents diumano sila ni Jake at ayon sa kanya, “I feel like we’re doing a good job.” Nang tanungin kung friends sila ang sagot ni Andi ay “I don’t think so.”

Dinescribe din ni Andi ang boyfriend at champion surfer na si Philmar Alipayo, “Isa siyang simpleng tao na lumaki sa isla who’s so humble and so kind and who has the biggest heart I know na nakakahawa maging mabait.”