• Home
  • Fresh Scoops
  • Marian Rivera nag-react sa pagbabalik Kapamilya ni Regine Velasquez

Marian Rivera nag-react sa pagbabalik Kapamilya ni Regine Velasquez

Inamin din ni Marian na nakaramdam siya ng lungkot sa naging paglipat ni Regine Velasquez.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/23/2018 5:59 PM
Marian Rivera nag-react sa pagbabalik Kapamilya ni Regine Velasquez


Hindi itinanggi ng aktres na si Marian Rivera na ikinalungkot niya ang naging pagbabalik Kapamilya ni Songbird Regine Velasquez.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Welcome to ABS-CBN Regine Velasquez @reginevalcasid #reginevelasquez #kapamilya

A post shared by Push (@pushalerts) on

Matatandaan na isa si Marian sa kilalang artista na malapit kay Regine at kinuha pa nila ni Dingdong Dantes na ninang sa kasal ang singer.

WATCH: Regine Velasquez ipinaliwanag na siya ang nagdesisyong lumipat ng network

“Siyempre naman, siyempre naman,” tugon ni Marian sa naging panayam sa kanya ng press sa kanyang bagong endorsement sa Beautéderm Corporation.

Aniya, kahit na malapit kay Regine, tikom sa pagbibigay detalye si Marian sa bagong journey ng kanyang ate.

“Well, wala din ako sa posisyon para sagutin yan, dahil hindi ko din alam kung anong rason ni ate kung bakit siya lumipat,” aniya.

“Ang importante diyan, kung saan siya mahalaga, kung saan siya magiging masaya doon siya. Kasi bilang ako, bilang kaibigan ko siya at ninang namin siya eh nirerespeto ko kung ano ang desisyon niya,” pahayag pa ng aktres.