• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jasmine Curtis-Smith, naging biktima ng body shaming at cyberbullying

EXCLUSIVE: Jasmine Curtis-Smith, naging biktima ng body shaming at cyberbullying

Inamin ni Jasmine Curtis-Smith na lubos siyang naapektuhan noon sa bashing na kanyang natanggap.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/23/2018 9:23 AM
EXCLUSIVE: Jasmine Curtis-Smith, naging biktima ng body shaming at cyberbullying


Photo credit: @jascurtissmith on IG

Biktima rin pala ng body shaming at bullying sa social media ang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith.

Ito ang ibinahagi ng dalaga nang makausap siya ng PUSH during the presscon of her latest project.

Ani Jasmine, “Well before, I was very, very sensitive. Naiyak pa nga ako one time kasi parang I feel like masyado nang harsh ang mundo ngayon.

“On social media, it’s very easy, it’s very cruel, kasi kung mataba ka, at fault ka. Kung payat ka, at fault ka. Kung sobrang ganda mo, at fault ka. Kung may mga pekas ka sa mukha, at fault ka.

“So, parang saan ka dapat? Ano’ng kailangan mong gawin para walang masabi ang mga tao sa ‘yo? And at first, sobrang defensive ko, magre-reply pa ako sa mga comments. But it’s gotten to a point na wala nang point for me to reply and I think that made people stop saying those things, so if you stop entertaining  it, eventually it will stop,” tuluy-tuloy niyang pahayag.

Hindi rin daw maiwasang ma-bad trip siya sa kanyang nababasa noon sa Twitter at Instagram.

“Kasi nakaka-bad trip lang, eh. Minsan magtu-twitter ka na lang, gusto mo na lang makahanap ng funny joke or funny video, madadatnan mo pa diyan mga kung anu-anong problema sa gobyerno, mga bullies, kaya wag na lang minsan,” lahad niya.
 
Dagdag pa ng dalaga, “For me, as much you can put your phone down and stop minding those negative comments, kasi ganun yung ginawa ko and nag-work for me.”

Ano ang advice na maibibigay niya sa biktima ng bullying at body shaming sa social media?

“Isipin mo kung paano mo mamahalin yung sarili mo para hindi mo na iniisip yung opinion nila,” sambit niya.

“Kasi, I have to admit, at one point I didn’t love myself enough, na nakokonsider kong, ‘hindi, maganda ako ngayon, okey ako ngayon, maganda yung suot ko.’

“Pero minsan, lalabas na lang ako, na-style-lan na ako, na-make-upan na ako, parang feeling ko, ‘Sh*t, wala ako sa katabi ko, talo ako, parang ang pangit ko…’ Parang ano ba yan, kasi nga insecure ka.

“Basta stand your ground, know yourself para you can love yourself enough, na wag mong ibigay yung sarili mong negative energy don sa kanila hindi kanila ma-affect.”

 

Unforgettable din kay Jasmine nung minsang nag-post siya ng picture sa IG account na puro pamba-bash ang kanyang inabot.

“Ang bilis kasi, ang bilis niyang maka-down. Imaginin mo naman, yung unang beses kong nakakuha ng more than 500 comment sa Instagram lahat yon ay pamba-bash.

“So, parang after no’n na-affect talaga ako. Parang nag-build yung insecurity ko, nag-ano talaga siya, nag-grow. Yung doubts, sensitivity, yung defense mechanism nandiyaan, but I can see, after my birthday this year, I become a little bit stronger. May na-build ng konting confidence. All I can say is you really learn to love yourself para ang sarili mo lang yung pakikinggan mo,” huling pahayag ng magandang dalaga sa PUSH.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Posting for a friend 🌙

A post shared by Jasmine (@jascurtissmith) on