• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Velasquez willing sumigaw ng ‘Darna’ para kay Liza Soberano

Regine Velasquez willing sumigaw ng ‘Darna’ para kay Liza Soberano

Boses noon ni Regine ang ginamit sa ‘Darna’ ni Angel Locsin at Marian Rivera.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/22/2018 2:51 PM
Regine Velasquez willing sumigaw ng ‘Darna’ para kay Liza Soberano


Photo credit: @lizasoberano (L) on IG

Isa ang bagong Kapamilya na si Regine Velasquez sa mga aminadong humahangga sa kagandahan ng Kapamilya actress na si Liza Soberano.

Sa unang grand media conference para sa Song Bird na ginanap kamakailan, isa si Liza sa mga Kapamilya actress na aminadong hinahangaan ni Regine.

“Ang ganda-ganda, gusto ko lang sabihin na ang ganda-ganda ni Liza [Soberano]. Ang ganda niya ano? Sana maging friends kami,” sabi pa ng singer. 

Kaya naman, hindi din naiwasan na maitanong kung willing ba siya na maging boses muli sa pag-sigaw ng “Darna” para  sa movie version na ginagawa ni Liza?

Matatandaan na ang boses ni Regine ang ginamit sa huling dalawang “Darna” na napanuod noon sa telebisyon na ginampanan ni Marian Rivera at Angel Locsin.

Mabilis naman ang naging sagot ni Regine at sinabing “Bakit hindi?” sabay sigaw ng “Darna!” na ikinatuwa naman ng lahat. 

Kasalukuyang nagshu-shoot pa din ng Darna si Liza Soberano at nito lang ay nagbitiw ang direktor nitong si Erik Matti na pinalitan naman ng multi-awarded din na director na si Jerrold Tarog.