Nora Aunor namahagi ng tulong sa kabataan

Kumakalat ngayon sa social media ang naging pamamahagi ng blessing ni Superstar Nora Aunor sa mga kabataan.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/22/2018 9:40 AM
Nora Aunor namahagi ng tulong sa kabataan


Screenshot from Edgar Santos Ebro's FB video

Kumakalat ngayon sa social media ang naging pamamahagi ng blessing ni Superstar Nora Aunor sa mga kabataan sa set ng kanyang teleserye.

Sa kuhang video ni Edgar Santos Ebro, ibinahagi nito ang naging pagbabahagi ni Ate Guy ng kaunting tulong sa mga batang nangangailangan.

 

@Nora Aunor on the set of ONANAY (October 19, 2018) Time: 5:32 pm. May nagsabi sa aking talent namimigay daw ng pera si Nora sa mga bata, sabi ko sayang diko nakita pero nuong bandang hapon nakita ko siya namimigay ng pera kaya di ana ko nag-atubili kaya binidyo ko siya....HINDI KA LANG SUPERSTAR..ISA KA RING SAMARITANA

Posted by Edgar Santos Ebro on Friday, October 19, 2018

 

Umani naman ng positibong komento ang pamamahagi ng tulong ni Nora na kasalukuyan ngayong abala ngayon sa kanyang teleserye sa kanyang bagong network.