Michele Gumabao receives special awards in Miss Globe 2018

Kabilang sa mga special awards na natanggap ni Michele ang Miss Social Media Award at Miss Dream Girl.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/22/2018 11:17 AM
Michele Gumabao receives special awards in Miss Globe 2018


Photo credit: @gumabaomichele on IG

Tumanggap ng special awards si 2018 Miss Globe Philippines Michele Gumabao sa katatapos lang Miss Globe Beauty Pageant na ginanap sa Tirana, Albania.

Kabilang sa mga special awards ang Miss Social Media Award at Miss Dream Girl.

Hindi man pinalad na maiuwi muli ang korona para sa Pilipinas, masaya padin si Michele sa kanyang naging experience sa nasabing pageant.

“Going home to my country with this huge smile on my face! I've learned a lot being here for 2 weeks! Ive always known that in life there are wins and there are losses, but God knows what's best for us. I trust in Him to take me further. I gave my best and I know it was good enough because I had the whole Philippines believing in me! At the end of the day, it is what it is (Philippines) BLUE FOR PEACE. I'm coming home!!! Volleyball naman ang labanan,” sabi pa ni Michele sa Instagram.

Kabilang naman sa nakapasok sa top 15 ang pambato ng Pilipinas ngunit hindi na pinalad na makapasok pa sa top finalists.

Sa huli itinanghal na Miss Globe 2018 si Yo Yizhou ng China at 1st Runner-up naman si Montana Seaton ng Australia, 
2nd Runner-up si Perihan Koz ng Turkey, 
3rd Runner-up si Rosa Fariello ng Italy at 
4th Runner-up Alba Bajrami ng Albania.