Bea Alonzo recalls love story with Gerald Anderson

Inamin ni Bea na similar ang ‘feeling’ ng kanyang character sa movie na ‘First Love’ sa pinagdaanan nila ng boyfriend na si Gerald Anderson.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/22/2018 2:56 PM
Bea Alonzo recalls love story with Gerald Anderson


Hindi itinanggi ng Kapamilya actress na si Bea Alonzo ang malaking pagkakapareho nila ng kanyang karakter na si Ali sa pelikulang First Love.

Kuwento ng aktres, sa naganap na bloggers’ conference last October 19, gaya din kasi ng naging palaban na pag-ibig ni Nick at Ali ang nangyari sa kanya sa tunay na buhay.

 

“This movie, brought me to that experience, 'yung feeling na nagkaroon si Ali and Nick, 'yun din yung feeling na nagkaroon ako with him (Gerald Anderson). A love that's unafraid, a love that is pure and hindi jaded,” bungad ni Bea sa naging panayam ng PUSH at ABS-CBN News.

Dito muli din binalikan ni Bea ang pinagdaanan nila ng kanyang boyfriend.

“We were together noong 2010, but of course maraming humadlang, ibig sabihin, hindi siya napapanahon nung time na 'yun. Hindi 'yun right timing for us. We were very young and marami pa kaming gusto gawin sa buhay, so it had to stop,” ani Bea.

"Tapos, nagkabalikan kami recently, hindi ko talaga sasabihin when (laughs)," patuloy na kuwento pa niya.

Tulad naman ng maraming nag-iibigan, hindi din itinanggi ng aktres na dumadaan din sila sa pagsubok ni Gerald.

 "Alam mo ano pa din siya, learning process pa din siya sa amin every single time we had a problem. Honestly marami akong natutunan about myself and this relationship, about him, about the things that I tolerate, I cannot tolerate, marami. And 'yung relationship namin is a work and progress, so 'yun marami kaming natutunan sa isa't-isa and about us and about this relationship," pahayag pa ni Bea.

Sa huli, thankful pa din si Bea na magkasama nila hinarap ni Gerald ang mga naging pagsubok sa kanilang pag-iibigan.