Andrea Brillantes, nahanap na ang kanyang dream home

Sa edad na 15 years old, proud sa pagiging breadwinner si Andrea Brillantes na ngayon ay nakahanap na ng malilipatang bahay para sa pamilya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/22/2018 3:01 PM
Andrea Brillantes, nahanap na ang kanyang dream home


Sa October 22 episode ng Magandang Buhay, ikinuwento ng Kadenang Ginto young actress na si Andrea Brillantes ang pagiging proud breadwinner niya sa pamilya. 

Ayon kay Andrea, tinutupad na niya ang matagal nang pangarap na maging artista at makabili ng bahay para sa pamilya. “Kasi since nung three years old ako, gusto ko na po talagang mag-artista. Tapos gusto ko pa pong mag explore sa showbiz. Madami pa po akong gustong gawin. Makaipon at makabahay. Ngayon po improving (din), nakahanap na po kami ng bahay," aniya.  

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

👗❤ @apartment8clothing

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe) on

 

Dagdag ng aktres, naging motivation niya ang kagustuhang makasama sa iisang bahay ang buong pamilya kasama ang kanyang lolo at lola, “Kasi gusto ko na pong makasama yung grandparents ko kasi magkahiwalay kami. Gusto ko po sila makasama pati yung ate kong isa para buo kaming lahat.” 

Binalikan din ng aktres ang panahon na naghiwalay ang kanyang mga magulang noong siya ay sampung taong gulang. “Actually on and off po talaga sila mommy and daddy, tapos naging clear na separated sila noong ten years old ako, nong Annaliza po.” 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

👗 from @apartment8clothing 👠 from @snh_fashion

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe) on

 

Ayon kay Andrea, napilitang tumigil ang ina sa pagtatrabaho para masuportahan at masamahan siya sa kanyang pag-aartista. “Siyempre bata pa po ako non, so kelangan po mabantayan parati. So hindi na po siya nag-work kasi mas pina-rioritize niya pong magabayan ako at samahan ako. Dahil yun din po yung kailangan ko that time. So ako na rin po ang naging breadwinner.” 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Marga @blythe #KGCassieAtMarga

A post shared by kadenangginto (@kadenangginto) on

 

Nakilala si Andrea Brillantes nang bumida siya sa teleserye na Annaliza noong 2013. Mapapanood naman siya ngayon sa Kadenang Ginto sa Kapamilya Gold kasama sina Dimples Romana, Beauty Gonzalez at Francine Diaz.