Vice Ganda handa nang maghasik ng good vibes sa Pasko

Excited na din si Vice Ganda para sa unang TV guesting ni Regine Velasquez sa ‘Gandang Gabi Vice’.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/21/2018 10:04 AM
Vice Ganda handa nang maghasik ng good vibes sa Pasko


All set na si Unkabogable Star Vice Ganda para sa muling pagbubukas ng 2018 Metro Manila Film Festival ngayong kapaskuhan.

Isa ang pelikula ni Vice sa mga labis na inaabangan tuwing film fest kung saan makakasama niya ngayong taon ang bigating bituin.

 

 

Kabilang na dito sila Richard Gutierrez at Dingdong Dantes na first time magsasama para sa isang proyekto.

“Ang ganda ng dynamics nila Dingdong at Richard sa pelikula dahil friends pala talaga sila in real life. Walang tensyon o walang bigat sa kanilang dalawa,” masayang pahayag ni Vice.

Isa din si Vice sa mga nasasabik sa pag uumpisa ng film fest season.

“Excited na ako. Excited na akong mapanood ang pelikula nang buo, gusto ko nang marinig ang mga tawanan ng mga tao. Na-mi-miss ko na 'yung feeling ng film fest events tuwing Pasko. Isang taon na 'yun, e. Gusto ko nang makita 'yung dami ng mga tao sa sinehan,” excited pa niyang kuwento.

Sinigurado din ng Kapamilya TV host-Comedian na aapaw ng good vibes sa kanyang film fest entry.

“Vibes siya, ‘yun ang term ngayon ng mga bagets. It’s a positive vibe. ‘Yung Fantastica isa din siyang ugali and especially these days ang daming nagaganap na hindi positibo at marami na din na nakakalimot na ang buhay ay fantastic,” aniya.

Bukod sa pelikula, excited na din si Vice para sa nalalapit na taping kanyang show na Gandang Gabi Vice kung saan unang mapapanood  sa telebisyon si Regine Velasquez bilang isang Kapamilya.

 

 

“Nag-promise kasi siya sa 'kin. Sinabi naman niya noong presscon na first guesting niya pagbalik na pagbalik niya ng ABS, sa akin, sa GGV. Kaya 'yun, mag-te-tape na kami ng episode,” kuwento ni Vice Ganda.

“Tapos may special announcement kami doon sa episode namin,” pahayag pa niya.