Sexbomb Mia Pangyarihan ipinakita ang bagong negosyo

Maagang paghahanda din ang negosyo para sa planong pagbuo ng pamilya ni Mia Pangyarihan.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/21/2018 9:59 AM
Sexbomb Mia Pangyarihan ipinakita ang bagong negosyo


Korean and Japanese fusion, ito ang ipinagmalaki na negosyo ng isa sa mga orihinal na miyembro ng Sexbomb Girls na si Mia Pangyarihan na isa na ngayong restaurant owner.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sexbomb Mia Pangyarihan @mia_pangyarihan isa nang ganap na restaurateur #yoshimeatsu #miapangyarihan #sexbomb #pushganaps

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

Kuwento ni Mia, nagsimula ang kanyang idea sa bagong negosyo sa pagkakaroon ng pagkahilig sa mga Korean grill na usong-uso ngayon.

“Naisip ko itong business ko early this year, parang nauso kasi diba ang mga Korean restaurant tapos every other day lagi ako nasa Korean,” bungad ni Mia sa naging panayam ng press.

“Tapos naisip ko lang na, ‘parang gusto ko mag tayo ng ganito’, kasi nakikita ko yung pila, yung pasensya ng tao na maghintay ng mahabang oras, at isa din ako sa mga nakikipila doon,” aniya.

Dahil hands-on sa kanyang maituturing na bagong baby, inihalintulad din ni Mia ang negosyo sa kanyang disiplina noon bilang isang dancer.

“Ang maganda lang sa ’kin dito, parang yung disiplina ko noon sa pagsasayaw, na-adapt ko na din dito, parang pwede ko pala i-apply ang mga naging disiplina ko noon sa pagsasayaw,” sabi pa ni Mia.

Ayon pa sa former Sexbomb Dancer, ibang saya ang nabibigay sa kanya ng kanya ng bagong negosyo.

“Sobra akong nag-eenjoy sa bagong journey na ito sa buhay ko yung stress, na eenjoy ko ‘yung pagod, siguro nga kasi bago siya sakin lahat,” sabi pa niya.

Pagdating naman sa suportahan ng mga dating ka-trabaho sa sexbomb, todo pa din daw ang kanilang tulungan sa isa’t-isa.

“Andon pa din naman ang support, masaya lang ako talaga, kasi ‘yung nangyari sa lahat ng Sexbomb, ‘yung makikita ko lahat kami nag-grow, walang naiwan ‘yun ang masaya,” pahayag pa niya.

Para kay Mia, maagang paghahanda na din ang pagkakaroon ng negosyo sa kanyang planong pag-buo ng sariling pamilya.