• Home
  • Fresh Scoops
  • Janno Gibbs sa paglipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN: ‘Perfect yung timing’

Janno Gibbs sa paglipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN: ‘Perfect yung timing’

Ikinuwento din ni Janno Gibbs kung paano niya nakuha ang guest role sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/21/2018 9:41 AM
Janno Gibbs sa paglipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN: ‘Perfect yung timing’


Pumirma ng bagong kontrata si Janno Gibbs sa Viva Artists Agency (VAA) pagkatapos ng mahigit 10 taon na hindi siya gumawa ng pelikula sa kompanya ni Boss Vic del Rosario.

Ayon sa kuwento ni Janno, ang huling pelikulang ginawa niya noon sa Viva ay ang Wait A Minute, Kapeng Mainit kasama si Blakdyak.

“I approached Veronique (Del Rosario) kung if she is willing to manage me. Dinala niya ako sa daddy niya (Boss Vic), welcome naman ako, so it’s good to be home. Kasi ito naman talaga yung ano ko, eh. Viva yung nag-start sa akin, eh, kung paano ako nakilala as a comedian,” simulang kuwento ni Janno sa interbyu ng PUSH kung paano siya nakabalik sa Viva.

Dahil close din si Janno kay Regine Velasquez kaya tinanong na rin namin siya kung ano ang reaksyon niya sa ginawang paglipat ni Regine sa ABS-CBN.

Ani Janno, “I’m excited for her, happy for her, kasi aside from SOP before Ogie (Alcasid) ako ang ka-duet talaga ni Regine. Before magkasama kami sa management, kay Ronnie Henares, pareho kaming nag-start don.

“We did a movie here sa Viva. So, malaking part din siya ng career ko. And I’m happy for her, alam kong matagal na siyang hinihintay ng (Channel) 2. And perfect yung timing kasi Ogie is there na, so kumbaga, mapapatawad mo na kung anuman ang reason for transferring. Eh, nando’n yung asawa niya, eh, so no questions ask na di ba?”

Para rin sa singer-actor, deserve ni Regine ang bonggang grand welcome sa kanya ng ABS-CBN bilang Kapamilya.

“Deserve naman nya yon. I think she deserves it. She’s one of the, if not our biggest female singer,” sambit pa niya.

May posibilidad ba na magkasama sila sa production number in ASAP?

“I hope so. Parang sinasabi nga nila, gusto nilang mag-back-to-back, SOP sa ASAP. Hahaha! Kasi di lang kami. Pati sina Jay-R, Kyla, Jona. Well, sana,” natatawa niyang tugon.

Bukod sa pagiging Star Music artist ay lumabas din si Janno sa FPJ’s Ang Probinsyano. May bago na ba siyang acting assignment sa TV?

“Wala pa… wala pa. Although I’ve met with them, with the bosses. Sabi ko, ‘I enjoyed Probinsyano, if you have anymore shows for me, willing ako, gusto ko po.’”

Ibinihagi rin niya ang karanasan niya working with Coco Martin sa number one series ng ABS-CBN.

“To be honest, ako yung… minessage ko lang si Coco, ha, not knowing Coco, hindi ako close sa kanya. Nag-message ako kay Coco as a fan of the show kasi lagi talaga akong nanonood ng Ang Probinsyano.

“Nag-message lang ako, I think sa Instagram niya, sa private message lang. ‘Co, lagi akong nanonood ng (Probinsyano), sana i-guest mo naman ako kahit cameo lang.’

“Hindi kaagad-agad, pero pinasok niya ako. Siya talaga yung nagpasok sa akin. Parang hindi yata alam ng ABS, parang nakita na lang nila ako don,” sabay tawa ulit ni Janno.