• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Katrina Halili recalls controversial sex scandal issue after 10 years

EXCLUSIVE: Katrina Halili recalls controversial sex scandal issue after 10 years

Ibinahagi ni Katrina Halili kung ano ang natutunan niya pagkatapos ng kanyang sex scandal.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/21/2018 9:47 AM
EXCLUSIVE: Katrina Halili recalls controversial sex scandal issue after 10 years


Photo credit to: @katrina_halili IG

Tinanong ng PUSH si Katrina Halili kung ano ba para sa kanya ang maituturing niyang lowest moment ng kanyang buhay sa showbiz. Hindi naman niya ikinaila ang tungkol dito.

“Ang lowest moment ng buhay ko… siguro yung isyu po sa akin (involving a sex scandal). Nung time na wala na akong contract sa GMA, yon nga, nung nagkaroon ako ng ganito,” pagre-recall ng aktres.

“Pero sobrang thankful ako dahil during nung lowest ko nandiyan si Direk Maryo (delos Reyes). Kahit nagkaisyu ako ni-request niya ako sa soap opera niya (Rosalinda). Tapos palagi na kaming magkasama.

“So, during my lowest, siya yung… alam mo yung parang ibinalik ka niya, kasi di ba nawala na ako? Parang ang swerte ko lang kasi parang angel siya na ibinalik niya ako. Kaya nung namatay siya, sabi ko, siguro angel siya na padala sa akin ni Lord kasi during nung lowest ko siya yung nandon,” patuloy niyang kuwento.

10 taon na ang nakakaraan matapos ang naturang isyu kay Katrina. Paano ba siya pinatatag ng kanyang pinagdaanan?

“Isang taon din ako halos na hindi nakikipag-usap. Nasa van lang ako. Bawal ang interbyu. Ayoko ng tinatanong ako bilang Katrina. Tapos hindi rin talaga ako tumatanggap ng project.

“Natutunan ko kung paano maging matatag. Kasi wala naman akong ibang aasahan. Ako lang din naman ang tutulong sa sarili ko. Kapag nagpaapekto ako, ako rin ang talo. Pagkatapos ng halos isang taon, naging okey na rin naman ako.

“Actually, never kong na-imagine na makakabalik pa ako and blessed ako na pinagkakatiwalaan pa rin nila ako,” lahad pa niya.

Nakilala din daw niya kung sino talaga ang kanyang mga totoong kaibigan nung panahong meron siyang pinagdadaanan.

Aniya, “Kasi ang circle of friends ko lang naman is konti lang din. And nandiyan naman sila nung time na yon. Hindi naman nila ako iniwan. Hindi rin kasi ako palakaibigan before, eh. Hindi talaga.”

Samantala, nakabili ng farm si Katrina sa Palawan at kapag nag-retire na siya sa showbiz ay gusto niyang doon tumira.

“Yes, yon talaga yung dream ko, na sa probinsya tumira. Mas simple, eh. Gusto don gumawa ng bakery. Mag-restaurant.

“Pag hindi n’yo na ako nakita dito, magpo-focus na ako don. Magiging panadera na ako, pero seksing panadera,” sabay tawa niya.

Dagdag pa niya, “Mahilig akong mag-bake-bake, eh. Mahilig akong magluto at saka yon talaga yung gusto ko. Kaya nga ngayon, habang meron, ipon-ipon. Tapos pag wala na akong work, eh, di marami akong naipon na puwede kong i-business,” huling pahayag niya sa PUSH.