Ogie Alcasid proud bilang asawa kay Regine Velasquez

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/20/2018 10:44 AM
Ogie Alcasid proud bilang asawa kay Regine Velasquez


Proud husband ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid para sa bagong journey ni Regine Velasquez  bilang isang Kapamilya.

Sa naging panayam ng PUSH kay Ogie na isa din sa mga sumalubong sa pagbabalik Kapamilya ni Regine, ramdam niya ang kasiyahan ng misis sa bagong simulain.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Congrats ulit mahal. #keepshiningforjesus @reginevalcasid

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

 

“I can see and I can feel that everybody is so excited kaya nakakatuwa,” Ogie.

Excited din si Ogie para sa pagsasamahan nilang sitcom ng asawa na unang beses gagawin ni Regine.

“Siyempre excited, gusto kong kumanta with her, umarte with her, and I'm sure marami sa mga Kapamilya artist natin ang magiging excited na rin na makatrabaho siya,” sabi pa niya.

Bukod sa kanilang gagawing sitcom, happy din daw si Ogie na makasama muli ni Regine ang mga dating leading man noon na karamihan ay nasa ABS-CBN.

“Andyan 'yung dati niyang mga kasama, mga katambal, sina Robin (Padilla), Aga (Muhlach), si Goma (Richard Gomez), si Piolo (Pascual). It would be nice if they can do projects with her again,” pahayag pa ni Ogie.

Sa ngayon, inihahanda na ang unang TV appearance ni Regine sa Gandang Gabi Vice.