Marlo Mortel, may matapang na mensahe sa bashers

Marlo Mortel, nilinaw na wala siyang kinalaman kung sakaling mabuwag ang Janella Salvador at Elmo Magalona love team.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/20/2018 10:55 AM
Marlo Mortel, may matapang na mensahe sa bashers


Sa Tonight with Boy Abunda, may matapang na mensahe si Marlo Mortel para sa mga netizens na diumano wina-warningan siya na wag agawin si Janella Salvador mula sa ElNella love team o ang love team ni Janella with Elmo Magalona. Ani Marlo, “As early as now parang ang daming nagagalit na mga fans. Parang wag ko daw agawin…”

Ayon din sa host na si Boy Abunda may nakapagsabi sa kanya na maaring mabuwag ang ElNella love team, pero hindi pa naman daw ito confirmed news. Paliwanag naman ni Marlo para sa mga fans, “Never ako nakialam sa team up nilang dalawa. Even with Elmo. Nandun nga siya nung wake nung Mom ko.” 

Hindi daw ni Marlo pinapansin ang mga namba-bash sa kanya sa social media. Dagdag pa niya, “Actually, wala akong kinalaman if ever may mabubuwag. Out ako diyan. Konting respeto lang naman dahil may nababasa rin ako na foul na nadadamay din yung ano ng Mom ko. It’s just too much.” 

Matatandaan na pumanaw ang Mom ni Marlo nitong August 2018. 

READ: Marlo Mortel shares last text conversations with late mother

Inamin din niya ang pagkapikon sa bashers kapag nadadamay na ang kanyang ina. “Deep inside siguro pag tinatackle na nila yung sa Mommy ko. Hindi biro yung pinagdadaanan namin sa bahay...”

Pagtatapos na mensahe niya sa mga bashers, “Sana magpakatao lang kayo bago kayo magsalita ng ganun.” 

Hindi rin naman tutol si Marlo kung sakaling magbabalik ang tandem nila ni Janella na MarNella. “Wala naman po sa akin ang desisyon pero never naman po ako nag-close ng door and good friends naman po kami ni Janella.”