• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessica Sanchez on Regine Velasquez: ‘She’s a timeless Filipino singer’

Jessica Sanchez on Regine Velasquez: ‘She’s a timeless Filipino singer’

Jessica Sanchez on Regine Velasquez: ‘She’s a timeless Filipino singer’ Lea Salonga at Jessica Sanchez, masaya sa pagiging Kapamilya ni Regine Velasquez.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/20/2018 11:15 AM
Jessica Sanchez on Regine Velasquez: ‘She’s a timeless Filipino singer’


Photo credit: @jessicaesanchez IG

Sa ulat ng TV Patrol, bago tumulak papuntang Australia para sa unang show niya as a Kapamilya sa ASAP Live in Sydney, inamin ni Regine Velasquez na hindi matigil ang pag-iyak niya sa naging pagtanggap sa kanya ng mga Kapamilya.

READ: Regine Velasquez to join 'ASAP' in Australia

Ani Regine, “Iyak ako nang iyak. Nahihiya na nga ako kasi magang-maga na yung ilong ko, yung mukha ko. I was so overwhelmed with you know, everybody’s welcoming me in ABS (CBN) na sobrang warm na warm talaga yung pagtanggap nila sa akin. Pagdating ko ang dami-daming tao nagkagulo. Ang dami kong gustong makita, siyempre si Angge (Quinto), si KZ (Tandingan.) Si Kim (Chiu), gusto kong kumanta with Kim and Maja (Salvador).”

Isa sa kinilig sa pagiging Kapamilya ni Regine ay si Lea Salonga. “I’m so happy. That woman, she’s one of the most talented people we have in this country. She’s also incredibly funny, you don’t know what’s going to come out of her mouth.”

Si Jessica Sanchez ay nagbigay pugay din kay Regine na noon ay kinampanya siya para sa American Idol. “I remember when I was a little bit younger, growing up hearing Regine Velasquez and going like, this girl can sing! She is definitely a timeless Filipino singer.”

Isa rin si Regine sa magiging judge ng Idol Philippines kung saan alumna si Jessica sa US version nito.