• Home
  • Fresh Scoops
  • Yassi Pressman at mga Magandang Buhay hosts, muling naging emosyonal

Yassi Pressman at mga Magandang Buhay hosts, muling naging emosyonal

Muling naging emosyonal ang episode ng ‘Magandang Buhay’ dahil sa guest na si Yassi Pressman at kanyang ama.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/2/2018 10:36 AM
Yassi Pressman at mga Magandang Buhay hosts, muling naging emosyonal


 

Sa October 1 episode ng Magandang Buhay, naging emosyonal ang FPJ’s Ang Probinsyano leading lady na si Yassi Pressman habang nagbibigay ng mensahe para sa kanyang ama na si Ronnie. Ipinangako ni Yassi sa kanyang ama na lagi niya itong aalagaan lalo pa’t sa edad na 89.

 

“Now you’re 89, I’m just going to promise that I will always take care of you. (Because) You’re my Papito, you’re my macho and you just promised to be strong always.” sabi ni Yassi nang naiiyak.

“I will. Just to show my appreciation for your presence. I will, I will.” sagot naman ng daddy ni Yassi, habang ang mga Momshie hosts ay naiyak na rin dahil sa palitan ng mga touching message ng dalawang guests.
 

Lumaki si Yassi kasama ang kanyang ama matapos maghiwalay ang kanyang mga magulang. Nilinaw din ng aktres na okay ang relasyon niya sa kanyang ina kahit hindi niya ito laging nakakasama. Some people are meant to fall in love but are not meant to stay together, and that’s okay... I’m very happy and I still talk to my mom, and she’s okay.” dagdag ni Yassi.
 

 

 
Ayon kay Momshie host Melai Cantiveros, laging may nakakaiyak na guesting si Yassi sa Magandang Buhay. “Pinaiyak na naman tayo ni Yassi. Yung last na bisita niya naiyak tayo, (tapos) ngayon na naman,” sabi ni Melai.
 
“Parang matatakot na ako pag magge-guest si Yassi ah,” biro naman ni Momshie host Jolina Magdangal.

 

Mapapanuod si Yassi Pressman araw-araw sa FPJ’s Ang Probinsyano.