Vice Ganda at Charo Santos, nagkulitan sa Instagram

Naaliw ang mga netizens sa naging palitan ng dalawa sa Instagram Stories.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/2/2018 3:41 PM
Vice Ganda at Charo Santos, nagkulitan sa Instagram


Naaliw ang mga netizens sa naging batuhan ng mensahe nina Vice Ganda at Charo Santos sa Instagram. Naunang nag-post ang Maalaala Mo Kaya host ng Instagram story kung saan sinabi niyang, “Dear Vice, umakyat ka sa office ko para patawanin ako!!! Nagmamahal, Charo.” 

Sinagot naman ito ng It’s Showtime host at sinabing, “Dear Ma’am Charo, ikinalulungkot ko po na di ako makakaakyat sa office niyo sa kadahilanang ang bigat po ng kappa ko! Ok lang po ba kung magtatangga muna ko para medyo presko? Lubos na gumagalan, Fantastica.”

Muling sinagot ito ni Charo at sinabing, “Dear Fantastica, ok lang na di ka umakyat. Basta pagandahin mo ang pelikula mo. Nagmamahal, Charo” at may pahabol pa na, “P.S. Hindi ka papapasukin ng ABS-CBN kung naka-tangga ka. Hindi pumapayag, Charo.”

 

Madalas ay ginagamit na biro ni Vice ang kunwaring pag-uusap nila ni Charo tuwing nagho-host siya sa noontime show.