• Home
  • Fresh Scoops
  • Sam Concepcion, naging honest tungkol sa breakup nila ni Kiana Valenciano

Sam Concepcion, naging honest tungkol sa breakup nila ni Kiana Valenciano

Sam Concepcion, sinabi na walang third party at hindi rin factor ang oras sa breakup nila ni Kiana Valenciano.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/2/2018 10:51 AM
Sam Concepcion, naging honest tungkol sa breakup nila ni Kiana Valenciano


 

Sa Tonight with Boy Abunda, muling inamin ni Sam Concepcion na wala na sila ni Kiana Valenciano.

READ: Sam Concepcion kinumpirma na break na sila ni Kiana Valenciano

Ayon kay Sam, “we’ve been together for quite a while. I thought we were really good. Even when it comes down to just us individually, we were really well together and we had a lot of really good times.”

Ngunit kahit na raw maayos ang lahat sa kanila ay nagkaroon pa rin ng mga problema. Ayon kay Sam, “I think maybe just right now, it started to become difficult and marami kasing factors that came into play. Just individually, I know I didn’t meet a lot of expectations…”

Naging emosyonal din si Sam nang ipakita ang mga pictures ng happy moments nila ni Kiana. Nilinaw ni Sam na walang third party at hindi rin naging factor ang kakulangan ng oras para sa isa’t isa. “We were always together.”

Sinabi ni Sam na may kailangan din siyang baguhin sa sarili niya, “just differences. At least for me I can say I have a lot to work on. I have a lot of things that I need to fix for me to be completely happy and for that happiness to be shared.” 

Nag-uusap pa rin naman daw sila hanggang ngayon ni Kiana. Nang tanungin naman kung paano niya nalaman na tapos na ang relasyon, ang sagot ni Sam ay, “parang I didn’t have a lot left in me to keep going. If I want to be with someone I want to be my 100 percent and be that.” 

Ano naman kaya ng huling sinabi niya kay Kiana nang magpaalam sila sa isa’t isa. Ani Sam, “I didn’t want it to be a formal goodbye. (Sinabi ko na) We will still be around. I don’t want to be strangers.”

Pagtatapos ni Sam, “It wasn’t easy for either of us. It’s not easy now. A day at a time is what we both said.”