• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos ‘Ang Probinsyano’, ibang pelikula pa ni FPJ bibigyang buhay ni Coco Martin?

Matapos ‘Ang Probinsyano’, ibang pelikula pa ni FPJ bibigyang buhay ni Coco Martin?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/2/2018 10:15 AM
Matapos ‘Ang Probinsyano’, ibang pelikula pa ni FPJ bibigyang buhay ni Coco Martin?


 

Masayang masaya ang aktor na si Coco Martin para sa muling pagpirma ng kontrata ng FPJ Productions sa ABS-CBN.

 

Isa si Coco sa mga labis na natutuwa sa para sa patuloy na tiwala ng FPJ Productions sa ABS-CBN na nag-renew ulit ng kontrata upang patuloy pa na maipalabas sa Kapamilya network ang mga naiwang pelikula ni Fernando Poe Jr.

At bilang sumusunod sa yapak ni Da King, isang karangalan para kay Coco kung sakaling ipagkatiwala muli sa kanya ang iba pang karakter na pelikula ni FPJ.

"Sana makagawa ulit, pero wala pa kaming napag-uusapan about diyan. Sabi ko nga kahit hindi ako 'yung artista, sana marami pang pelikula ni FPJ ang maging teleserye dahil talagang malapit sa puso ng Pilipino ang mga pelikula niya," sabi pa ni Coco sa naganap na ABS-CBN Ball.

Bukod dito, walang hanggang pasasalamat din ang ipinaabot ng aktor sa tatlong taon na pamamayagpag ng Ang Probinsyano sa ratings

"Sabi ko nga, kung ano lang ang sa tingin natin na tama, ang purpose naman kasi ng Probinsyano is to guide, lalo na 'yung mga kabataan na mabigyan sila ng tamang values. As in inaaral namin ang bawat script at dialogue na nakaka-affect sa mga manunuod," pahayag pa ni Coco.