JM De Guzman, umamin na ng pagtingin kay Barbie Imperial?

Mas makatotohanan na ang kanilang mga eksena tuwing hapon sa ‘Araw Gabi’.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/2/2018 10:45 AM
JM De Guzman, umamin na ng pagtingin kay Barbie Imperial?


 

Sweetness overload kung ilarawan ang tambalan nina Barbie Imperial at JM De Guzman na magkasama sa red carpet ng ABS-CBN Ball.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#JMDeGuzman and #BarbieImperial at #ABSCBNBall2018 #metroxabscbnball2018

A post shared by Metro.Style (@metrodotstyle) on

 

Dito, naitanong ng press sa kanila kung ako na ba talaga ang real score sa kanilang dalawa na nagsimula sa kanilang mainit na mga eksena sa Araw Gabi.

“Hindi ko naman dinideny yun syempre kapag you’re into the role, attractive ang ka-partner mo mahirap. Mahirap din hindi ko masabi na nandoon na si Barbie na lang ang... Barbie ikaw?” ani JM.

Si Barbie naman, todo iwas sa pagbibugay kumento at detalye. Pero para sa dalaga, importante ang masaya silang dalawa ngayon.

“Opo dahil matagal na kami magkasama. Medyo totoo na masaya kami,” ani pa ni Barbie.

Paglilinaw ni JM, mas kilala na nila ni Barbie ang isa’t isa at mas kumportable na din kapag magkasama.

“Basta were enjoying each others company the best way we can,” pahayag ng aktor.