• Home
  • Fresh Scoops
  • Derrick Monasterio, hindi makapaniwalang ‘virgin’ pa ang leading lady sa ‘Wild and Free’

Derrick Monasterio, hindi makapaniwalang ‘virgin’ pa ang leading lady sa ‘Wild and Free’

No boyfriend since birth (NBSB) daw si Sanya Lopez.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/2/2018 9:00 AM
Derrick Monasterio, hindi makapaniwalang ‘virgin’ pa ang leading lady sa ‘Wild and Free’


Photo credit: @derrickmonasterio/ @sanyalopez on IG

 

“Hindi ako naniniwala kasi ang galing niya, eh!” Ito ang reaksyon ng hunky actor na si Derrick Monasterio sa pahayag ng kaparehang si Sanya Lopez sa Regal Entertainment movie na Wild and Free, na no boyfriend since birth (NBSB) siya at nananatiling virgin hanggang ngayon.

Paano raw nangyari yon, eh, ang galing-galing niya sa kanilang intimate scenes sa pelikula.

“Ganu’n siya kagaling umarte, hindi ko na-feel (na virgin siya),” dagdag na reaksyon ni Derrick sa presscon ng pelikula na may playdate sa October 10.

Aminado naman ang binata na habang ginagawa nila ang mga eksena ni Sanya ay talagang natakot siya at kinabahan.

“Kasi baka bigla akong masampal. Ako, na-envision ko na agad ‘yung magiging takbo ng scene, eh. Kung ano ‘yung mga mangyayari.

“Siyempe, pini-filter ko rin kung ano ang dapat hindi gawin, hindi ko talaga gagawin kasi respect kay Sanya,” lahad niya sa press.

Sabi naman ni Sanya, umiral daw ang pagka-gentleman ni Derrick sa kanilang mga intimate scenes kaya hindi rin siya masyadong nahirapan dito.

Wika ng dalaga, “Tinulungan din kami ni Direk Connie (Macatuno). Siya ang nag-guide sa amin. Nakatulong din po sa akin na gentleman po talaga si Derrick at close kami. Pag po kasi nandun ka sa set at nandu’n ‘yung respeto sa isa’t isa, magagawa n’yo nang maayos ang bawat eksena n’yo.”

Eh, paano ba niya pinaghandaan ang love scenes lalo pa nga’t first time niya sa ganitong bagay?

“Of course, nag-prepare po ako, nanood din po ako talaga ako ng iba’t ibang intimate scenes. Nanood ako ng ‘yung makakatulong sa akin, alam kong makakatulong para sa karakter ko, du’n sa malapit sa karakter ko.

 “At the same time, ‘yun nga po, nag-workshop kami at nandiyan po si direk Connie para tulungan kami sa mga bagay na nahihirapan kami at nagtanong-tanong din ako actually sa mga friends ko na nakaranas din ng mga ganitong eksena kasi siyempre, hindi naman malayo ang story namin sa totoong nangyayari sa buhay, eh,” paliwanag ni Sanya.

On Derrick’s part,  aminado siya na hindi na raw bago sa kanya ang ganung mga eksena.

Sey niya, “Kasi, of course, as a millennial, I’m sure, most of you guys here, nu’ng age namin kayo, ano rin, may mga wild and free rin, di ba? Ang sa akin lang siguro, kumukuha lang ako sa past experiences ko.”

Game namang sinagot ni Sanya ang tanong kung kailan ba niya balak isuko ang “Bataan” ang sagot niya, “Matagal pa ‘yan. Matagal pa. Hindi ko pa naiisip po sa ngayon.”