• Home
  • Fresh Scoops
  • Bakit “tumigil ang mundo” ni Sue Ramirez sa photo na ito?

Bakit “tumigil ang mundo” ni Sue Ramirez sa photo na ito?

Matatawa at kikiligin ka sa post na ito ni Sue.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/2/2018 1:18 PM
Bakit “tumigil ang mundo” ni Sue Ramirez sa photo na ito?


Photo credit: @sueannadoodles on IG

 

Sa isang Instagram post ni Sue Ramirez nitong Lunes, Oktubre 1, makikita ang super close at sweet na pose niya kasama ang rumored boyfriend mula sa BoybandPH na si Joao Constancia. Nakakatawang dinagdagan din ng ASAP Chillout host ang post ng isa pang photo kung saan lumapit si Janus Del Prado at dumila sa camera.

 Sabi ni Sue sa post, “at tumigil ang mundo... nung ako’y dilaan ni @janusdelprado HAHAHAHA (sic).” 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

at tumigil ang mundo... 🌏♥️ . nung ako’y dilaan ni @janusdelprado HAHAHAHA 😂✌🏻

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles) on

Agad din namang nagcomment si Joao at itinuloy ang lyrics ng kantang Tagpuan, “May Kinang Sa Mata Na Di Maintindihan.”


 
Kaya naman hindi naiwasang kiligin ang mga fans at dumami ang heart emojis sa comment section ng naturang post. Maging ang ilang celebrities tulad nina Gretchen Ho, Khalil Ramos, Michelle Vito, Iza Calzado, Fifth Solomon at iba pa ay napa-comment din.
 
 

Dati nang naispatan sina Sue at Joao na nagpalitan ng “I love you” sa social media kaya naging usap-usapan na maaaring may relasyon sila.
 
READ: OMG! BoybandPH's Joao, nag-I love you kay Sue Ramirez
 
Mula sa huling report ng Push noong August 10, sinabi ni Sue na “unofficial” pa rin ang relasyon nila ni Joao.
 
READ: Sue Ramirez says relationship with Joao Constancia still unofficial
 
Sa ngayon, aabangan si Sue sa remake ng isang Japanese film na pinamagatang Sunshine Family.  Kasamang sina Noni at Sharmaine Buencamino, ang pelikula ay ishu-shoot sa Korea, mula sa produksyon ng Spring Films at Film Line.
 
LOOK: Sue Ramirez leads Pinoy remake of the Japanese-based story Sunshine Family