• Home
  • Fresh Scoops
  • TRENDING: Thai social media sensation Mader Sitang nasa Pilipinas para makilala ang kanyang mga fans

TRENDING: Thai social media sensation Mader Sitang nasa Pilipinas para makilala ang kanyang mga fans

Asia's Top Transgender Supermodel Mader Sitang nasa Pilipinas para bisitahin ang kanyang mga taga-hanga.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/19/2018 6:02 PM
TRENDING: Thai social media sensation Mader Sitang nasa Pilipinas para makilala ang kanyang mga fans


Photo credit: @tiaraholics on IG

Nasa Pilipinas ngayon ang Asia’s Top Transgender Supermodel mula sa Thailand na si Mader Sitang.

Dumating si Mader Sitang nitong Biyernes ng hapon kung saan naging mainit ang pagsalubong sa kanya ng kanyang Pinoy fans na naghintay sa kanya sa NAIA Terminal 3.

 

Sa naging panayam ng entertainment press sa Thai-social media sensation, agad niyang pinasalamatan ang Pinoy fans sa pagmamahal sa kanya.

“Thank you so much because today we're here in the Philippines and thank you for inviting us,” pahayag ni Mader Sitang sa tulong ng kanyang interpreter.

Ayon pa kay Mader Sitang, malapit sa kanyang puso ang Pilipinas dahil sa pagkaroon ng similarities ng Thailand at ng Pilipinas.

“I am very glad and I love this country because Thai people and Filipinos are almost the same,” sabi pa niya.

Sa huli tanging pasasalamat at pagmamahal din ang ipinaabot ni Mader Sitang sa Pinoy fans.

“I cannot explain my feelings but I am so happy today, I love you all,” pahayag pa niya sa press.

Hindi ito ang unang pagbisita ni Mader Sitang sa Pilipinas. Sumama siya bilang miyembro ng isang non-government organization na isa sa mga unang tumulong sa mga nasalanta ng Typhoon Yolanda sa Tacloban noong 2013.

Nakilala si Mader Sitang sa kanyang mga nakaka-aliw na dance moves na naging trending sa social media.

Magiging abala siya sa kanyang meet and greet ngayong weekend sa Fahrenheit Café at One 690 Entertainment at ilan pang scheduled TV guesting.