TNT Boys, yayanigin ang ‘Big Dome’

Makakasama din ng TNT Boys ang ilang mahahalagang guest na naging inspirasyon nila.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/19/2018 3:20 PM
TNT Boys, yayanigin ang ‘Big Dome’


Todo paghahanda na ngayon sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto at Keifer Sanchez, o mas kilala bilang TNT Boys, para sa kanilang first major concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa darating na November 30.

 

Sa naging panayam ng press sa kanilang concert press conference, inamin ng TNT Boys na kabado sila ngayon sa kanilang unang major show.

“Sobrang kinakabahan kasi Big Dome na po 'yon. Tapos marami pong manonood. Lalo na po kung na-sold out 'yan. Kaya dapat po ay bumili na kayo ng ticket,” sabi ni Mackie.

Bukod sa kanilang tatlo makakasama din ng TNT Boys ang ilang special guests gaya nina K Brosas, Jed Madela at mga kasamahan sa Your Face Sounds Familiar Kids 2018  na sina Chunsa Jung, Esang de Torres, Krystal Brimmer, Noel Comia Jr., Onyok Pineda, Sheena Belarmino at Xia Vigor.

Excited din na sinabi ng tatlo na may ilang songs na  first time nila aawitin sa stage. Sinigurado din ng TNT Boys na ibang klase ng biritan ang mapapanood sa kanilang upcoming concert.

"At marami pa pong kanta na kakantahin namin na hindi pa po namin nakakanta ever," ani Francis.

“Ang makikita niyong TNT Boys ay ibang-iba po hindi kagaya noon, ibang-iba po talaga,” sabi naman ni Keifer.

Bukod sa pananabik sa upcoming concert, thankful din ng mga batang mang-aawit sa well applauded na performance nila sa katatapos lang na Presidents Star Charity sa Singapore.

READ:TNT Boys napabilib ang presidente ng Singapore sa isang charity concert