• Home
  • Fresh Scoops
  • Edward Barber sinabing ‘biggest critic’ at ‘biggest supporter’ niya si Maymay Entrata

Edward Barber sinabing ‘biggest critic’ at ‘biggest supporter’ niya si Maymay Entrata

Ipinagmalaki din ni Edward na si Maymay ay isa sa mga taong kilala kung sino siya talaga.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/19/2018 3:27 PM
Edward Barber sinabing ‘biggest critic’ at ‘biggest supporter’ niya si Maymay Entrata


Hindi mapigilan na mapangiti ni Edward Barber nang alalahanin niya ang unang reaksyon ni Maymay Entrata sa kanyang acting sa pelikulang First Love.

Kuwento ni Edward sa naging panayam sa kanya ng press, laking gulat niya na natandaan ni Maymay ang mga eksena na kinakabahan siya.

"She dissected everything, she remembered parts of the movie, 'Edward ito, naramdaman ko na that was your first day no?' And she was right," ani Edward.

“She said, 'I saw you were nervous there,'” paghahalimbawa pa niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Carpe Diem #FirstLove (1/3) 🕊

A post shared by Edward Bar (@edward_barber) on

 

Ayon pa sa nagsisimulang aktor, naniniwala siya na kilala na siya ni Maymay kaya ramdam din nito ang kanyang kaba.

"I think it's something that maybe not people can see. I think because she knows me so well, I think she took notes on her phone about the points of the movie," aniya.

"So she is one of my biggest critics and one of my biggest supporters," pahayag pa ni Edward.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

I hope our weirdness makes you smile. Hope everyone is having a good day🕺🏼🤷🏻‍♂️ @maymay @alco_guerrero

A post shared by Edward Bar (@edward_barber) on