Andrea Brillantes, may payo kay Francine Diaz

Andrea Brillantes, may payo kay Francine Diaz tungkol sa pag-aartista

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/19/2018 8:46 AM
Andrea Brillantes, may payo kay Francine Diaz


Sa Tonight with Boy Abunda, nagkuwento ang Kadenang Ginto stars Andrea Brillantes at Francine Diaz kung paano sila nagsimula sa industriya.

READ: Andrea Brillantes’ first kontrabida role surprise netizens

Ayon kay Francine, nagsimula siya sa teleseryeng Be My Lady at matapos nun “in-introduce (ako) ng producer sa Star Magic, dun nagtuloy-tuloy nag-young ako sa Ikaw Lang ang Iibigin hanggang sa nandito na po ako.”

Habang hindi pa masyado matagal si Francine sa industriya, si Andrea naman ay seven to eight years na daw sa showbiz. Nagsimula ang 15-year-old na si Andrea sa ABS-CBN noong siya ay eight years old. Anya, “Nung first few years sobrang hirap po. May time na hindi talaga ako nakuha sa lahat ng auditions, so nada-down ako ng sobra. Pinaka-nadisappoint po ako nung nag-audition po ako ng Mutya.”

Kuwento ni Andrea, dream role niya ang maging sirena kaya gusto niyang makuha para sa teleseryeng Mutya. “Akala ko nga po makukuha ako nun kasi pinatawag ako nun titingnan kung paano ako lumangoy, tapos nung nasa pool na ako, bigla silang tumawag na may nakuha nang iba.”

Pagpapatuloy ni Andrew, “iyak ako nang iyak.” Pero matapos daw noon ay nakuha naman siya sa title role na Annaliza, “After nun po nagkaroon ako ng Annaliza. Na-realize ko na buti pala hindi ko to nakuha ibig sabihin it’s not for me. Baka meron pang mas better for me.”

Payo naman ni Andrea kay Francine bilang mas batikan na siya sa pag-aartista, “‘Wag kang magbabago. Lagi ka dapat magpapasalamat kay Lord and always look at the bright side of life.”