Andi Eigenmann, masaya sa pagiging probinsyana

Andi Eigenmann, masaya din sa kanyang love life ngayon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/19/2018 9:50 AM
Andi Eigenmann, masaya sa pagiging probinsyana


Ayon sa bida ng All Souls Night na si Andi Eigenmann, na-miss niya ang paggawa ng pelikula kaya excited siya na meron siyang bagong movie na ipapalabas sa October 31.

“Sobra, na-miss ko din. Ang sarap din magtrabaho kapag ano ka. Di ba, parang I felt so burnt out from working everyday and then it’s so fun to work on your craft and execute a role kung nakapagpahinga ka,” simulang pahayag ni Andi sa PUSH.

Patuloy pa ng aktres, “I haven’t done a movie for one year hindi dahil sa ayaw ko. Parang naghihintay lang talaga ako ng project na worth it for me to really just like stay put here in Manila and get busy with work, especially given that if I’m here and with my daughter has school, mahirap po kasi kapag araw-araw ’yung shooting.

“Pero because, of course, I trust Viva and Direk Yam, Direk Aloy and Direk Jules, they’re able to present me a story that I know I would have fun doing and at the same time, meeting them, I was excited to work with them as artists and as people.”

Excited na rin daw siyang mapanood ang pelikula.

“I’m really looking forward to watching the film myself because I know that this is going to be one for the books and set the standard in terms of horror movies in the Philippines,” sey pa niya.

Sa Siargao na ngayon madalas mag-stay si Andi kasama ang boyfriend na si Philmar Alipayo who is a professional surfer.

Kumusta naman ang pagiging probinsyana?

“Ay, ang sarap-sarap ng buhay. Simple lang,” bulalas pa niya.

“I feel so lucky. I feel like the richest person in the world that I’m surrounded by such beauty. Living in Siargao has made me appreciate being away from the city so much more and I feel so blessed that I live in paradise,” dugtong niya.

Simple at masaya rin daw ang kanyang love life ngayon sa piling ng boyfriend.

“Ang boyfriend ko kasi komedyante. Walang dull moment. Palagi lang kaming masaya.”

Sa tingin ba niya tatagal siya sa paninirahan sa Siargao?

“Opo. Kasi for the first time, yung mata ko nakita at parang it’s the first time that I felt contentment. I got a glimpse of my future and I said, this is the kind of life I want to live.

“When I still working, sabi ko, I want to achieve my dreams—I want to buy a beach house. I wan to move away and be so rich that I can afford that. But then, I realized at this age that I don’t need to be rich to achieve that. I can do it now in my own terms. Hay, ang sarap ng buhay,” huling sambit ni Andi.

Showing na ang All Souls Night sa October 31 bilang Halloween presentation ng Viva Films, Aliud Entertainment at ImaginePerSecond Productions.