ASAP stars, excited makasama si Regine Velasquez

ASAP stars, masaya na makakasama si Regine Velasquez sa Sydney at sa ASAP stage.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/18/2018 10:56 AM
ASAP stars, excited makasama si Regine Velasquez


Sa ulat ng TV Patrol, excited na ang ASAP stars sa pagiging parte ng Asia’s Songbird Regine Velasquez ng kanilang ASAP family. Lalo na at makakasama din nila si Regine sa ASAP Live in Sydney, Australia.

Ani Kim Chiu, ito talaga ang kinaki-excite niya at hindi ang dance prod niya. “Nilu-look forward ko talaga makita si Regine Velasquez sa ASAP stage, yun talaga wala akong pakialam sa sayaw ko. Si Regine Velasquez ako.”

Ayon naman kay Erik Santos na batikang singer din, “Alam kong buong Pilipinas buong mundo naghihintay dito. Sana po abangan niyo po yan.”

Nagbiro din si Maja Salvador na napanuod online ang warm welcome ng mga taga-ABS-CBN kay Regine na, “Makaka-duet ka na po namin!”

Matatandaan na kahapon lang October 17 ay naging official kapamilya na ang Asia’s Songbird. 

READ: Regine Velasquez on transferring to ABS-CBN: ‘It was really me who decided’