Ano ang mga dapat abangan kay Regine Velasquez sa ABS-CBN?

Very open si Regine Velasquez na gumawa muli ng pelikula.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/18/2018 3:56 PM
Ano ang mga dapat abangan kay Regine Velasquez sa ABS-CBN?


Kabi-kabila na ngayon ang mga proyektong nakatakdang gawin ni Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa Kapamilya network.

Kasunod ito nang opisyal na pagpirma ni Regine sa ABS-CBN.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Welcome to ABS-CBN Regine Velasquez @reginevalcasid #reginevelasquez #kapamilya

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

Una na dito ang kanyang pagiging regular na bahagi ng ASAP tuwing Linggo ng tanghali.

"I really missed having a variety show, and being part of a whole group of singers, singing and doing prodcution numbers, I really, really miss it. So thank you, thank you from the bottom of my heart," bungad na balita ni Regine sa kanyang grand media press conference bilang isang opisyal na Kapamilya.

WATCH: Regine Velasquez naiyak sa mainit na pagsalubong ng Kapamilya network 

Bukod sa pagiging bahagi ng nangungunang Sunday noon time show, isang programa din ang pagsasamahan ni Regine kasama ang mister na si Ogie Alcasid.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My love @ogiealcasid ❤️❤️❤️

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

 

"For the first time also, I'm going to have a sitcom. I've never done a sitcom before, and nae-excite po kasi I'm gonna be working with my husband, so I'm very excited about that," ani Regine.

"Yung nakikita niyo sa Instagram ko na magulo kami ng asawa ko na parang mag-jowa lang kami, dream ko talaga to work with him. And now I'm given this sitcom, so I'm very excited," sabi pa niya.

Isa rin sa magandang balita na ibinahagi ni Regine ang pagiging bahagi ng isang talent search kung saan isa siya sa magiging hurado.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

The Search for the Idol Philippines! Soon on ABS-CBN! 💙🎶 #IdolPhilippines

A post shared by Idol Philippines (@idolphilippines) on

 

"First time ko din ever. Magiging part din ako ng mga isa sa mga judges po ng Idol Philippines. 'Yan ang title, So first time ko mag-ja-judge. Bilang hindi akong judgmental na tao, ngayon mag-ja-judge ako ng isang singing contest. Nakakatuwa parang ang dami kong first," excited na kuwento ni Regine.

Ibinahagi din ng singer ang kanyang kasiyahan sa pag-awit sa theme song ng inaabangan na Kapamilya teleserye na The General's Daughter.

Sa ngayon, excited na rin si Regine sa kanyang mga nakapilang guesting sa ilang Kapamilya shows tulad ng Gandang Gabi Vice.