Aga Muhlach, may payo sa mga anak pagdating sa love

Aga Muhlach, may pinagdaanan noon sa pag-ibig na ayaw niyang gawin ng mga anak niya.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/18/2018 11:03 AM
Aga Muhlach, may payo sa mga anak pagdating sa love


Sa Tonight with Boy Abunda, tinanong si First Love star Aga Muhlach kung ano ang magiging reaksyon niya kung hypothetically lumapit sa kanya ang anak na si Atasha at sinabing she has fallen in love. Ani Aga, “I’m okay. Na-practice ko na yan. Life has a way of teaching you these things.”

LOOK: Atasha Muhlach is Charlene Gonzalez’s perfect mini-me 

Paliwanag ni Aga, hindi daw sa atin ang mga anak natin. “One day, you realize na, ‘Wow our children are not ours really.’ Taga-bantay lang talaga tayo sa kanila because at some point may kukuha talaga diyan e. Parang yung kinuha ko ang asawa ko sa nanay niya. But I still want it done the right way. I’m still old school…”

Nang tanungin kung ini-stalk niya ang Instagram ni Atasha. Sinabi ni Aga na “no.” napansin daw kasi ng host na si Boy Abunda na may “special kid” sa IG ni Atasha. Giit naman ni Aga, kaibigan lang yun ng anak niya.

Kwento ni Aga tungkol sa batang ito, “Years ago pag nandiyan yan, sasabihin ko sa asawa ko, ‘B, tingnan mo nga bakit nandiyan sa baba yan.’ Tapos bababa talaga ako, uupo ako sa tabi nila, makikipagkwentuhan ako. They’re friends …”

Hindi rin maiwasan ni Aga na mag-isip kung, “Sino kaya yung lalaking makikita kong hahawak sa kamay ng anak ko or aakbay or hahalik sa babae ko…” Pagbibiro pa niya kapag nagyari iyon, “brother, wag ako. Alam ko yan. Papunta ka pa lang, nakailang balik na ako dyan. Wag ka magmagaling, hijo, baka gusto mo ng tubig. Baka nag-iinit ka lang. Eto maraming ice.”

Ayon kay Aga, “I’m just curious lang kung sino yung guy na yun kasi kapag nasaktan siya sa puso, I’m just going there to listen, I’m not going to ‘kasi ikaw.’”

Nagbigay din daw siya ng payo sa mga anak niyang si Atasha at si Andres. “I even told my kids, wag kayong tumingin sa mayaman o mahirap. Basta maganda ang hangarin, maganda ang pakitungo. Parang ako noon may mga nililigawan din ako, may mga family na naglu-look down din sa akin. Ang baba ng tingin sa akin. Ang sakit…”

Pagtatapos ni Aga, “whatever makes them happy…