Nagbigay update ang aktor na na si Piolo Pascual sa kanyang mga ginagawang proyekto ngayon.
Isa na dito ang Children of The Lake na pagsasabuhay sa naging digmaan sa Marawi.
"Okay naman, we're still working on the third act, finalizing the schedules because na-move back ng na-move back so hopefully by November kasi some of the staff nandoon para mag-set up and hopefully by November grind na para matapos na din. Sayang naman ang tagal na," pahayag ni Piolo sa PUSH sa naganap na Hype mobile app launch.
Kuwento pa ni Piolo, kahit na marami siyang ginawang proyekto ngayon tuloy na tuloy pa din daw ang kanilang proyekto.
"I'm doing four movies actually. I hope I get to do it simultaneously, sabay-sabay e, they all want to shoot this November. With all the prior commitments, I don't think I can accommodate all of it so mag-trickle down yun next year," aniya.
Paglilinaw pa ni Piolo, walang kinalaman ang naging pagpapalit ng direktor sa delay ng pelikula.
"No, it was a blessing. At least were able to work on the script better. So at least mas matututukan namin ang mga dapat gawin at hindi dapat gawin para sa pelikula at ng hindi masayang ang oras," pahayag pa ni Piolo.
Sa ngayon, abala si Piolo sa pagbuo ng isang album at concert tour sa America kasama si Inigo Pascual.