• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual, excited na makasama si Regine Velasquez sa ‘ASAP’

Piolo Pascual, excited na makasama si Regine Velasquez sa ‘ASAP’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/17/2018 11:36 AM
Piolo Pascual, excited na makasama si Regine Velasquez sa ‘ASAP’


Good news sa fans ni Piolo Pascual dahil aktibo muli sa paggawa ng pelikula ang aktor simula ngayong November.

Pero wish ni Piolo na mapagkasya sa kanyang schedule ang paggawa ng apat na pelikula.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

See you guys in Sydney ❤️ #AsapinSydney

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

 

“I'm doing four movies actually. I hope I get to do it simultaneously, sabay-sabay e, they all want to shoot this November. With all the prior commitments, I don't think I can accommodate all of it so mag-trickle down yun next year,” sabi pa ni Piolo

Bukod sa pelikula, isa din si Piolo sa pinakamasaya na makakasama ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa ASAP Live in Sydney para magbigay saya sa mga kapamilya abroad.

“Ilang taon ko na hinihintay yan. Finally she’s coming and she’s guesting in Sydney. We’re just really excited [na] tinanggap na niya, pumunta na siya dito. I’ve worked with Reg and she’s one of the nicest, kindest people in this industry,” kuwento pa ni Piolo.

Nagkasama noon sina Piolo at Regine sa isang pelikula at bukas din sa posibilidad si Piolo na magkatrabaho sila muli.

“I don’t know kung gagawa pa ng pelikula si Reg but yeah anytime. Reg is a very versatile actress and yeah magaling siyang artista lalo na sa singing. Wala tayo pwede sabihin,” pahayag pa ni Piolo.

Kakabalik lang ni Piolo mula sa Busan International Film Festival sa Korea at ibinahagi niya ang malaking posibilidad na makipag co-produce sa ilang foreign film producers.