Maja Salvador: ‘Hindi po ako third party’

Paglilinaw ni Maja, may iba pang babaeng niligawan si Carlo Aquino, bago pa siya magustuhan nito.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/18/2018 1:32 AM
Maja Salvador: ‘Hindi po ako third party’


Sa episode ng Magandang Buhay October 17, muling nilinaw ni Maja Salvador na hindi siya ‘third party’ sa dating hiwalayan nila Angelica Panganiban at Carlo Aquino. Kasama ang mga momshie hosts, pinaliwanag din ng aktres kung bakit maaring nasabi ni Angelica Panganiban ang pangalan niya sa kontrobersyal na Gandang Gabi Vice episode.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

"Things I Sway: My Hips and Your Opinion. "

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

 

“Sige, eto na siguro ang pagkakataon. Sige, yung may lumabas sa GGV, may mga nag-agree at nag-disagree. May mga nangba-bash sa akin, may nangba-bash kay Angelica (Panganiban).” sabi ni Maja.

Ayon sa aktres, na nag-celebrate din ng kanyang 30th birthday last October 5, nilinaw niya sa naturang interview na tinapos nina Angelica at Carlo ang relasyon nila, bago pa manligaw sa kanya si Carlo.“Sabihin na natin na, nagamit ang term na ‘third party’ pero bandang huli, inexplain naman ni Angelica na, tinapos bago nanligaw.” paliwanag ni Maja Salvador.

Dagdag niya, maaaring nabanggit ang pangalan niya, dahil alam ni Angelica na hindi ito magiging isyu sa kanya. “Pero ang hindi lang na-klaro kasi, siguro kaibigan ko kasi si Angelica, hindi na nagbanggit ng ibang babae, kaya ako na lang kasi hindi naman akong ma-isyu na tao.

“Minsan sa mga interviews, kadalasan dire-diretso kang (magsalita), hindi mo na naayos sentence mo minsan, di ba? Pero yun yon. Hindi po ako third party, bago po manligaw marami siguro silang naging problema. May mga ibang girls pang niligawan si Carlo Aquino, bago pa manligaw sa akin.” dagdag na kwento ni Maja.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ito na talaga! May Trailer na kami! May poster na rin! naalala ko nung tumawag yung handler ko para tanungin ako kung okay lang daw bang magsama kami ni @onlyzanjoemarudo sa isang pelikula... sagot ko naman "oo naman po.. bakit naman hindi!" tapos naisip ko may issue ba? hanggang... ay oo nga palaaaaaaaaa........ kasi ngaaaa palaaaa..... 😅😜 pero sabi ko kung maganda yung script at ma excite akong gawin bakit hindi! at ito na nga!!! minsan hindi mo na iisipin talaga sasabihin ng iba ang importante makagawa ka ng isang magandang pelikula na maraming magsasabing... kwento ko yan... nangyari sakin yan! oo masakit mag mahal! pero naman dude MASARAP MAG MAHAL lalo na kung sa bestfriend mo pa! tripleng sarap! durog puso at kaluluwa sa sakit. Bestfriend e! Paksyeket!

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

 

Unang sinagot ni Maja Salvador ang isyu noong press conference ng kanyang bagong pelikula na To Love Some Buddy, kasama si Zanjoe Marudo. Ayon sa kanya, okay ang relasyon niya sa matagal nang kaibigan na si Angelica Panganiban. 

READ: Is everything okay between Maja Salvador and Angelica Panganiban?

Mapapanuod sa October 1 ang bagong pelikula na To Love Some Buddy. Mula sa produksyon ng Black Sheep, na gumawa rin ng kamakailang blockbuster hit movie ni Angelica Panganiban at Carlo Aquino na Exes Baggage.

Panoorin ang episode dito: