• Home
  • Fresh Scoops
  • Kylie Verzosa at Maxine Medina handa na sa bagong laban bilang artista

Kylie Verzosa at Maxine Medina handa na sa bagong laban bilang artista

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/17/2018 11:30 AM
Kylie Verzosa at Maxine Medina handa na sa bagong laban bilang artista


Mula sa pagiging international beauty queens, artista na ngayon sina Maxine Medina at Kylie Verzosa sa bagong Kapamilya telerserye na Los Bastardos.

Kuwento ni Maxine, dama niya ang kaba sa pag-arte sa harap ng camera kaya’t pinaghandaan niya ito bago sumalang sa taping.

 

“Nag-workshop po kami before kami isalang sa taping. Actually kasi nanggaling ako sa Hanggang Saan, di ba? Lawyer medyo near sa beauty queen so ngayon sobrang ibang iba,” sabi pa ng 2016 Miss Universe Philippines.

Si Kylie naman kahit nakapag-uwi na ng International title sa bansa, nagsisimula muli bilang artista at handa rin para matuto.

 

“We’re here to prove ourselves na we can act and ako naman malaki ang pasasalamat ko kay Direk Ruel (Bayani) dahil binigay nya ang opportunity sa amin,” sabi pa ni 2016 Miss International.

Kaya naman abot-abot ang pasasalamat nina Kylie at Maxine na napasama sila sa malaking teleserye sa Kapamilya network.