• Home
  • Fresh Scoops
  • Ilan sa Kapamilya stars, tumulak na sa Sydney, Australia para sa ‘ASAP’

Ilan sa Kapamilya stars, tumulak na sa Sydney, Australia para sa ‘ASAP’

All set na ang ASAP team para sa kanilang live performance sa October 20.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/17/2018 11:42 AM
Ilan sa Kapamilya stars, tumulak na sa Sydney, Australia para sa ‘ASAP’


Photo credit: @starmagicphils on IG

Tumulak na patungong Sydney, Australia nitong Martes, October 16, ng gabi ang ilan sa mga Kapamilya stars para sa inaabangan na ASAP Live in Sydney.

Kabilang sa mga unang batch na umalis sina Darren Espanto, Jed Madela, Darryl Ong, at KZ Tandingan.

 

Kasama din sa unang batch ng Kapamilya stars sina Erik Santos, Angeline Quinto, at Yeng Constantino.

 

 

 

 

Magkakasabay nagbiyahe sina Kim Chiu, Maja Salvador, at Enchong Dee para sa inaabangan na Kapamilya event.

Sa darating na Sabado, October 20, mapapanuod ang Kapamilya stars para sa ASAP sa ICC Theater, Sydney, Australia kung saan special guest si Regine Velasquez-Alcasid.