• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: McCoy de Leon, inaming wala na silang komunikasyon ni Elisse Joson

EXCLUSIVE: McCoy de Leon, inaming wala na silang komunikasyon ni Elisse Joson

Di pa daw nakakausap muli ni McCoy de Leon si Elisse Joson mula nung ABS-CBN Ball.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/17/2018 9:51 AM
EXCLUSIVE: McCoy de Leon, inaming wala na silang komunikasyon ni Elisse Joson


Photo credit: @elissejosonn on IG (R)

Sa interbyu ng PUSH kay McCoy de Leon ay diretsahan agad ang tanong namin sa binata kung paano nabuwag ang love team nila ni Elisse Joson popularly known as McLisse. Ayon kay McCoy, hindi pa raw naman totally buwag ang kanilang tambalan.

“Actually, hindi naman po binuwag. Meron pa pa pong movie na ipapalabas po. Hindi ko lang alam kung kailan yung playdate,” reaksyon niya.

Patuloy ng binata, “Nag-umpisa po yon nung Wansapanataym niya. Parang do’n nag-start lahat. Di ko na po alam kung ano talaga yung naging rason ng lahat.”

Inamin ni McCoy na nalungkot siya sa nangyari sa love team nila ni Elisse, pero naka-move on na rin naman daw siya kahit paaano.

“To be honest, dati malungkot ako, pero ngayon nakikita ko naman na parehas naman kaming masaya, sa lahat ng nangyayari, sa pamilya namin, sa trabaho po namin, yon yung importante,” he said.

Wala na rin daw silang komunikasyon ngayon ni Elisse.

“Hindi na po kami nagkakausap, eh. Ang huli po naming nag-usap sa ABS-CBN Ball pa po. Tapos yon, hindi na po nasundan.

“Sabi ko nga po sa interbyu dati bago nung Ball, yon nga, gusto ko sanang kausapin para maging maayos, maging maayos yung samahan namin. Kaso yon nga, hindi na po nasundan after nung Ball.

“Humingi siya ng time, ganyan, oras. Siguro hindi raw muna ngayon, balang araw daw, ganyan. So yon po, naintindihan ko naman po, binigay ko po sa kanya yon,” paliwanag ni McCoy.

Hindi naman inamin ni McCoy kung totoong naging magkarelasyon sila ni Elisse.

Aniya, “Hindi ko masabi na naging kami. Siguro sa ganung parte… naging close lang kami off cam. Ayoko na ring magsalita tungkol diyan para hindi na rin magkaroon ng problema lalo na sa pamilya namin.”

Willing pa ba ulit siya na makatrabaho si Elisse?

“Ako naman, open po ako sa lahat. Ayoko pong tumatanggi talaga sa blessing. Mahirap man yan o madali, may matututunan ka diyan, eh. Mas nagiging matibay ako bilang ako. Yon po,” sambit pa niya.

Samantala, si McCoy ay isa sa mga nominado sa katatapos lang na PMPC Star Awards for Television para sa kategoryang Best Single Performance by an Actor para sa pagganap niya as isang episode ng Ipaglaban Mo.