• Home
  • Fresh Scoops
  • Andi Eigenmann, ipinaliwanag ang naging desisyon na paglayo sa showbiz

Andi Eigenmann, ipinaliwanag ang naging desisyon na paglayo sa showbiz

Happy din ngayon si Andi sa kanyang buhay pag-ibig.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/17/2018 12:18 PM
Andi Eigenmann, ipinaliwanag ang naging desisyon na paglayo sa showbiz


Balik pelikula ngayon ang aktres na si Andi Eigenmann para sa horror movie ng VIVA Films na “All Souls Night."

Present si Andi, na matatandaan na naging mailap sa mundo ng showbiz, sa naging media conference ng pelikula. 

Dito, natanong ang aktres kung simula na ba ito ng kanyang pagbabalik showbiz.

 

“Hindi naman ako nagstop or purposely stop talaga. Hindi ko rin po masasabi kung tuloy-tuloy pero kung may offer na magaganda, gagawin po natin,” kuwento pa ni Andi sa press.

Inamin din ng aktres na dahil walang offer sa kanya ngayon, mas pinili rin muna niya na sundin ang kanyang mga gusto sa buhay.

“Actually walang offer tapos akala  ko kinalimutan na ako ng mga tao, okay naman sa'kin yun kasi ako yung nagdecide na lumayo, kaya sobrang natuwa ako na tinawagan ako ni boss Vincent Del Rosario,” paliwanag ni Andi.

 

 

Dahil pansamantalang nawala, aminado si Andi na namiss niya ang maging abala at ang chikahan kasama ang press.

“Dressing up and looking nice, getting my hair blown up, it’s really nice (laughs). I enjoy it more now, noong nag-aartista pa ako, laging sinasabi ng tao na ‘hindi daw ako marunong mag-ayos’ kaya nung nawala ako sa showbiz na realize ko na I’m not innate na mag-ayos," masayang kuwento pa niya.

Pagdating naman sa kanyang personal na buhay, aminado si Andi na mas nakikita niya ngayon na mas seryoso na siya kung ikukumpara noon.

“I feel like in the past, you know after having a daughter, I entered in wrong relationship, for me I’m young, it’s okay, it’s part of the experience. But now that I’m older, I’m really thinking about settling in the province with my daughter. It’s safe to say that the relationship I have now is more serious,” aniya.

Paglilinaw ni Andi, hindi rin ito nangangahulugan na tuluyan na niya ngayon tatalikuran ang showbiz.

“I’ve always said, hindi ko naman po talaga tinatalikuran ‘yung showbiz, it’s just I don’t want to be yung same na kung ano ako dati, but acting it’s always something that I’ve been in love with and I always want to do, hindi ko po tatalikuran ‘to," pahayag pa niya.

Mapapanood ang “All Souls Night” sa October 31 sa direksyon ni Yam Laranas.