Daniel Padilla wants a concert tour with Ian Veneracion

Daniel Padilla papayag mag-concert tour kung kasama si Ian Veneracion.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/16/2018 10:18 AM
Daniel Padilla wants a concert tour with Ian Veneracion


Sa ulat ng TV Patrol, jam-packed diumano ang D4 concert ni Daniel Padilla na ginanap sa Araneta Coliseum noong Sabado, October 13. Pang-apat na concert na ito ni Daniel.

Gulat si Daniel dahil sinasabayan siya ng fans sa pagkanta kahit na karamihan sa mga kanta niya ay old songs. “Lalo na yung mga bata, nagulat ako sumasabay kasi [sila]. May ginawa akong playlist ng mga kanta ko. Alam pala nung mga supporters,” ani Daniel.

Nagre-request din ng concert tour here and abroad ang fans kay DJ. Pero bago ito gawin ni DJ, meron daw siyang kondisyon. “My deal was I’ll do that pag kasama ko si Mr. Ian Veneracion. I can see a concert, kaming dalawa. Gitara siya. kasi we have the same music. We have the same taste.”

Isa sa highlight ng concert ang pag-dedicate n Daniel ng kanta sa girlfriend na si Kathryn Bernardo na kinaiyak naman ng young actress.

LOOK: Kathryn Bernardo napaiyak sa concert ni Daniel Padilla