• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin, nagbigay pugay kay Joey de Leon sa kanyang kaarawan

Coco Martin, nagbigay pugay kay Joey de Leon sa kanyang kaarawan

Coco Martin nagpasalamat kay Joey de Leon sa pagtulong sa kanyang career nung siya ay nagsisimula pa lang sa showbiz.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/16/2018 7:39 PM
Coco Martin, nagbigay pugay kay Joey de Leon sa kanyang kaarawan


Sa kaarawan ni Joey de Leon ay inalala naman ng FPJ’s Ang Probinsyano star na si Coco Martin ang kabutihang nagawa ng beteranong TV host para sa kanya. Noon nagsisimula pa lamang kasi si Coco sa showbiz ay nakasama siya sa comedy show ni Joey na “Teka Mona” sa TV5.

"Hindi ko po alam kung natatandaan ninyo po ako pero isa ako sa mga taong natulungan nyo nung nag-uumpisa palang ako sa show ninyo sa channel  TV 5 sa 'Teka Mona.' Maraming maraming salamat sa pagkakataon na nabigay po ninyo sa 'kin noon at hanggang ngayon po hindi ko pa nakakalimutan 'yon," ani Coco sa Instagram.

“Sana isang araw magkita po tayo ng personal para makapagpasalamat po ulit ako sa personal," dagdag pa niya.

Napansin naman ito ni Joey at sinabing, “Salamat! I’m proud of you! Stay humble!”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Madalas umuulan pag birthday ko. Thank you God for your blessing.

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo) on