• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo playfully likens Gerald Anderson to chocolate cake

Bea Alonzo playfully likens Gerald Anderson to chocolate cake

Bea Alonzo changes answer to the question “is the name of the man you’re going to marry Gerald.” Find out what her answer is.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/16/2018 10:25 AM
Bea Alonzo playfully likens Gerald Anderson to chocolate cake


Photo credit: @andersongeraldjr on IG (R)

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Bea Alonzo na nang umabot na siya sa edad na trenta ay mas naging matapang na siyang gawin ang mga bagay na takot siyang gawin o nakaka-intimidate sa kanya noon. Kamakailan lang ay nag-aral ng baking si Bea.

READ: Bea Alonzo completes Fundamentals in Baking and Pastry Arts course

Pagdating naman sa pag-ibig, tinanong din si Bea kung, “Do you get into a relationship on uncertain terms?” Ayon kay Bea, “Yes, maybe itong current, ito yung pinaka-uncertain ako nung pumapasok. I mean hindi ko nga akalain na dadating dito. I just let myself fall and see.”

Nang tanungin naman kung ano ang cake na ibe-bake niya para sa boyfriend na si Gerald Anderson, ang sagot ni Bea ay, “Siguro chocolate cake. Kasi si Gerald, bukod sa yun ang paborito niya, yung chocolate cake babalik-balikan mo. Kaya nga di ba… binalikan ko.”

Sa previous guesting ni Bea sa TWBA, tinanong din siya kung, “Is the name of the man you’re going to marry Gerald,” ang sagot ng aktres noon ay, “I’m not sure.” 

Pero sa pangalawang pagkakataon, sinagot ni Bea ang tanong at ang sagot na niya ngayon ay, “sana.”