• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Gonzaga, kabado bang makatapat ang malalaking pelikula sa 2018 MMFF?

Alex Gonzaga, kabado bang makatapat ang malalaking pelikula sa 2018 MMFF?

Unang beses na bibida si Alex Gonzaga sa isang movie na para sa Metro Manila Film Festival.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/16/2018 6:30 PM
Alex Gonzaga, kabado bang makatapat ang malalaking pelikula sa 2018 MMFF?


 

All smiles at game na game sa pakikipag-bonding si Alex Gonzaga sa kanyang mini-fans day kanina, October 16.

Dito nakapanayam ng PUSH at ABS-CBN News ang aktres tungkol sa panibagong blessing na dumating sa kanila ng kanyang ate na si Toni Gonzaga. Matatandaan na ang pelikula nina Alex at Toni na Mary, Marry Me ay isa sa mga pelikulang mapapanood sa darating na 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF).

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

See you in this year's MMFF! #SizSam

A post shared by @ ten17p on

“Sa totoo lang, hindi namin, ine-expect kasi nabalitaan namin 16 (films) yung nag-pasa and then four lang yung makukuha,” kuwento ni Alex sa Block & White Sakura White Lotion Fans Day.

Aniya, gaya ng karamihan ng mga bata noon, sila din ng kanyang Ate Toni ay pumipila sa mga sinehan tuwing Pasko.

“Nung nakuha kami, parang hindi kami makapaniwala kasi nung bata kami nanonood lang kami ng MMFF, pumipila pa kami, so ngayon, isa na kami ngayon sa mga pelikula na mapapanood.

“Kasi ‘yun din yung ginagawa namin before, ang galing lang na nag-turn around na ngayon, na isa na kami sa pipiliin para mapanood,” sabi pa ni Alex.

Kung tatanungin naman kung may tensyon bang nararamdaman na babanggain nila ang malalaking pelikula sa film fest, para kay Alex hindi daw ito big deal.

“Hindi naman namin iniisip na ni ate [Toni] yun. Sabi nga namin ‘the fact na nakasama tayo sa MMFF okay na ‘yun’ and kung may manonood sa amin and makasama tayo sa options is enough na, to be part of the Christmas celebration of every Filipino,” pahayag pa niya.

Ang Mary Marry Me ay idi-direk ng asawa ni Toni na si Paul Soriano at makakasama din nila si Sam Milby sa proyektong ito.