Aga Muhlach, may kondisyon para gumawa ng teleserye

Aga Muhlach willing daw gumanap sa teleserye basta makakatrabaho niya ang artistang ito.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/16/2018 10:30 AM
Aga Muhlach, may kondisyon para gumawa ng teleserye


Sa isang Push Now Na interview, tinanong si First Love star Aga Muhlach kung willing siyang gumawa uli ng sitcom at isang enthusiastic na yes ang sinagot nito. “Sitcom, yes of course. If I would be offered one, I’d be the happiest. Kung sinabi sa akin na, ‘Aga, you’d start taping tomorrow,’ man, I’m here tonight. I’m sleeping tonight.” 

May mensahe pa ito para sa ABS-CBN. “ABS you know, if you want to do another sitcom, why not?” 

Paano kaya kung isang soap opera project naman ang i-offer kay Aga? Ayon kay Aga, “parang ang hirap gumawa, pagka si Bea (Alonzo), okay. Oo, gagawa ako ng soap with Bea. Hindi ako gumagawa ng soap ha.”

Kung sitcom daw sana with Bea, mas maganda pero ayon kay Aga, “wala na raw sitcoms, sabi ko nga sana mag-sitcoms kami.”

Natanong din si Aga kung okay lang sa kanya na gumawa ng pelikula ang asawa at beauty queen na si Charlene Gonzalez. “Okay naman siya mag-work, pero parang hindi naman siya gumagawa ng pelikula,” ani Aga.

Kung magbabalik telebisyon at hosting naman daw si Charlene ay wala ding problema kay Aga. “Of course, kasi akala ng tao I made her stop working already. Hindi naman. Nagkataon lang na we’re just living life. Me and my wife would be happy to work…”

Supportive si Aga kay Charlene, katulad ng support na ipinapakita ni Charlene kay Aga at sa mga projects nito. 

READ: Charlene Gonzalez recalls how Paul Soriano pitched ‘First Love’ to Aga Muhlach