What is Aga Muhlach's love advice to Bea Alonzo?

Bea Alonzo shares the life and love lesson that she learned from Aga Muhlach.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/15/2018 8:48 AM
What is Aga Muhlach's love advice to Bea Alonzo?


Sa Gandang  Gabi Vice, nagkwento si Bea Alonzo kung ano ang life and love lesson na itinuro sa kanya ni Aga Muhlach na co-star niya sa pelikulang First Love.

READ: Aga Muhlach at Bea Alonzo, ikinuwento kung paano natuloy ang first team-up nila sa 'First Love'

Ani Bea, nagse-share siya ng “slight” kay Aga tungkol sa mga personal na bagay.

Dagdag pa niya, “lagi lang siyang nagmamasid kung paano ka.”

Sinabi daw ng actor kay Bea na, “always make your heart tender.”

“Ang life lesson daw na maituturo niya sa akin is to always make my heart tender na kahit na nasasaktan ka, ‘wag mong sabihin sa mga tao na okay ka kung hindi ka okay,” pagbabahagi ni Bea.

Sa pagpapaka-totoo lang daw kasi magsisimula ang healing, payo pa ni Aga kay Bea.

“ And then dun lang papasok yung healing pag-inacknowledge mo na nasaktan ka. Kasi sabi niya ‘wag na ‘wag mong papatigasin yung puso mo, hindi ka totoong magiging masaya kapag pinatigas mo ang puso mo,” dagdag pa niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#FirstLoveUncovered begins tomorrow! #FirstLoveMovie #4DaysUntilFirstLove

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on