• Home
  • Fresh Scoops
  • TNT Boys napabilib ang presidente ng Singapore sa isang charity concert

TNT Boys napabilib ang presidente ng Singapore sa isang charity concert

Nilapitan pa ng Singaporean President Halimah Yacob ang TNT Boys at nagpa-picture sa kanila sa isang charity concert.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/15/2018 2:21 PM
TNT Boys napabilib ang presidente ng Singapore sa isang charity concert


Sobrang saya ng Your Face Sounds Familiar Season 2 grand champions na TNT Boys,dahil nakapag-perform sila sa Singapore charity concert titled ‘President Star Charity’ kahapon, October 14. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by TNTBoys (@thetntboys) on

Sa Facebook page ng TNT boys, ibinahagi nila ang ilang photo at video mula sa naturang event. 

“It’s an honor to sing for Singapore’s president, Her Excellency Halimah Yacob. Thank you Jesus for allowing us to perform with the talented kids of Singapore for a cause!" ayon sa post sa FB. 

“Thank you President’s Star Charity 2018, Mediacorp and TNTV. Thank you everyone for putting us where we at now. We love you all! We are so overwhelmed!” sabi pa nila sa kanilang caption. 

READ: TNT Boys on being famous: 'Hindi sa utak, sa puso' 

Masaya ding ibinahagi ng TNT Boys na mismong si President Yacob ang nagpunta sa backstage para lamang makausap at makapagpa-picture sa kanila. 

“Woooow! President Halimah Yacob went backstage! Thank you Ma’am!” pasasalamat ng tatlo.

Ang President Star Charity ay isang annual event na pinangungunahan ng Singaporean government. This year, nakalikom sila ng almost $8.3 million, ang pinaka malaking amount na nakuha sa history ng event na ito.

Samantala naghahanda naman na ngayon ang TNT Boys para sa kanilang solo major concert na gaganapin sa November 30 sa Araneta Coliseum. 

Unang nakilala sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto, and Keifer Sanchez bilang mga contestants sa Tawag ng Tanghalan Kids sa It's Showtime. Nabuo ang kanilang grupo na TNT Boys nang mag-guest sila sa Gandang Gabi Vice at kinanta ang version ni Beyonce ng sikat na Broadway song na "Listen."