• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta at Richard Gomez nasa Ormoc City para i-shoot ang pelikulang ‘Three Words to Forever’

Sharon Cuneta at Richard Gomez nasa Ormoc City para i-shoot ang pelikulang ‘Three Words to Forever’

Sa Ormoc, Leyte kukunan ang ilang eksena ng reunion movie nina Sharon at Richard.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/15/2018 8:52 AM
Sharon Cuneta at Richard Gomez nasa Ormoc City para i-shoot ang pelikulang ‘Three Words to Forever’


Photo credit: @richardgomezinstagram on IG

Tumulak na patungong Ormoc City, Leyte si Megastar Sharon Cuneta.

Bahagi ito ng pagpapatuloy ng shooting ng reunion movie ni Sharon at Richard Gomez na Three Words To Forever kasama si Kathryn Bernardo.

Sa Instagram ni Sharon, ibinahagi niya na sampung araw siyang mananatili sa Ormoc para kuhanan ang ilan sa malalaking eksena ng pelikula.

 

Todo asikaso naman ang leading man ni Mega na si Richard kung saan personal pa ang naging pagsundo ng Ormoc City Mayor kay Sharon sa Maynila.

 

Inaasahan na sa darating na Nobyembre, mapapanuod na sa mga sinehan ang Three Words To Forever sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.