• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual, isasabak ang anak na si Iñigo sa isang international movie project

Piolo Pascual, isasabak ang anak na si Iñigo sa isang international movie project

Masaya si Piolo Pascual at marami siyang nakilala mula sa movie industry ng iba't ibang bansa sa Busan Film Festival.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/15/2018 8:31 AM
Piolo Pascual, isasabak ang anak na si Iñigo sa isang international movie project


Photo credit: @inigopascua (L) on IG

Masayang ikinuwento ng aktor na si Piolo Pascual ang naging pagbisita niya sa Busan, South Korea kamakailan lang.

Kabilang si Piolo sa mga deligado ng Pilipinas sa Busan International Film Festival.

 

“Nakakatuwa especially the last night the Philippine Night, all of the programmers of the festival were there, it was a big celebration,” kuwento ni Piolo

Pinuri din ni Piolo ang naging pamumuno ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairwoman na si Liza Diño para sa pagtataas ng antas ng  pelikula sa ibang bansa.

“I’m so happy how Chairman Liza Diño set the centennial celebration of Philippine Cinema starting with Busan Film Festival, so we were given this opportunity to showcase the history of Philippine Cinema,” sabi pa niya.

Ipinagmalaki din ni Piolo ang naging alok ng isang international movie producer na gumawa ng isang proyekto sa kanyang film outfit na Spring Films.

Ayon sa aktor plano niyang isabak ang anak na si Iñigo para sa International movie project.

“Marami, marami, one idea is a partnership with an Singaporean company, where they want to collaborate with us, probably pitching my son to do a Bollywood film,” pahayag pa ng aktor.